NAPATINGIN si Izaiah sa pintuan nang pumasok si Divina. “Sir, naayos ko na po ang venue para sa surprise birthday party ni Cyd. Heto na rin po lahat ng mga invitation,” inilapag nito sa mesa ni Izaiah. Tiningnan ni Izaiah ang laman ng maliit na paperbag na naglalaman ng mga invitation cards. Ito ang surprise niya para kay Cyd. Hindi niya ito binanggit kay Camille dahil gusto niyang surpresahin ang mga ito. Inimbita niya lahat ng mga kaklase ni Cyd at kailangan ay naka-costume ang lahat nang dadalo. Siya mismo ang pumili ng theme, maging ang mga give-aways ay siya rin ang personal na namili niyon. “Thank you, Divina. Huwag mong kalilimutang pumunta sa birthday ng anak ko, ha,” nakangiting sabi niya. “Yes, po. Sana susunod na ang kasal, Sir,” sabi nito. Napangiti siya, “Mag-dilang an

