“BYE, Lolo, Lola!” paalam ni Cyd sa mga magulang ni Ivan. Humalik ito sa pisngi at nagmano sa mag-asawa. “Ingat kayo, apo. Balik ulit kayo dito, ha,” sabi naman ng Lola Marissa nito. “Yes po, Lola, babalik po ako,” tugon naman ni Cyd. Samantalang nakatingin lamang si Cassandra at Hero sa mga ito na nauna nang pumasok sa kotse. Abot langit ang inis nito sa atensiyon na binibigay ng mag-asawa kay Cyd. Kaya halos hindi na nito masikmurang makipagplastikan, nauna na agad sila sa sasakyan upang hindi makita ang pagsimangot niya. “Mom, Dad, aalis na po kami,” paalam naman ni Ivan sa mga magulang. Bihira na lang kasi siya makabisita rito sa hacienda ng magulang. Malawak ang lupain nila rito sa General Triaz kung saan may malawak silang farm na taniman ng mangga at mga pinya. Dito niya pinas

