NAKAPASOK na rin si Izaiah sa opisina. Halos tatlong linggo siyang namalagi lamang sa kanyang unit. Mabuti na lang at maaasahan si Julius. Si Jethro naman ay medyo matino na kumpara dati. Kailangan lang pala niyang magkasakit upang maging responsable itong mga kapatid niya. Mabuti na lang din at inalagaan siya ni Camille. Napapangiti siya sa tuwing inaalala niya ang pag-aalaga na ginagawa nito sa kanya. Agad niyang dinampot ang telepono nang mag-ring ito. “Yes, Divina.” Si Divina ang bago niyang sekretarya na pumalit kay Jennivie. Inirekomenda ito ng pinsang si Grace na empleyada naman ni Camille, sana lang ay hindi na ito palpak. “Sir, may naghahanap po sa inyo,” anang sa kabilang linya. “Sino?” napakunot-noo na tanong niya. “Si Mrs. Vlademir daw po, asawa ni Mr. Ivan Vlademir.” Nag

