CHAPTER 49

2272 Words

AYON sa sekretarya ni Izaiah na si Divina ay nasa conference room daw ito at kasalukuyang nasa meeting. Kung kaya’t naupo na lang muna si Camille sa waiting area. “Ma’am, pwede naman po kayong pumasok na sa loob ng opisina ni Sir,” anang sekretarya nito. “Ah, hindi na, Divina. Ayos na ako rito ‘tsaka dito rin naman siya dadaan ‘di ba?” “Okay. Sige, po, Ma’am. Mayroon po ba kayong gustong inumin?” magalang na tanong nito. “Thank you, Divina, pero huwag ka nang mag-abala pa. Okay lang ako, hintayin ko na lang ang sir mo,” tugon niya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakita niyang naglabasan na ang mga nasa conference room. Huling lumabas ay sina Izaiah at ang kaibigan nitong ni Froilan. Napangiti si Froilan nang makita siya, “Hi, Mrs. De La torre!” biro nito sabay kinamayan siya nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD