CHAPTER 36

2703 Words

WALANG lakas ng loob si Ivan na pigilan si Camille. Yumugyog ang kanyang mga balikat sa pag-iyak habang nakayuko sa manibela. Sa talambuhay niya ay si Camille lang ang tanging babae na nakapagpaiyak sa kanya, dahil hindi niya lubos maisip kung anong klaseng hirap ang dinaanan nito noong nagkahiwalay sila at nagpakasal siya kay Cassandra. Bagama’t hindi niya iyon ginusto alam niyang nasaktan pa rin niya ito at hindi niya masisisi kung abot langit ang galit nito sa kanya. Noong nakita niya ito sa hospital ay binalaan pa niya ito para protektahan ang batang dinadala noon ni Cassandra. Pero ang hindi niya alam ay buntis din pala ito sa anak nila. Inaway pa ito ni Cassandra at hindi rin niya pinansin nang tawagin siya nito dahil may kailangan daw siyang malaman. Ang lahat ng iyon ay binalewala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD