“WOW!” bulalas ni Cyd. Inilabas ni Izaiah ang mga laruan na nabili niya noon at ibinigay ang mga iyon kay Cyd. Matagal na niya itong binili noong nalaman niyang buntis si Amber. Madalas kapag napapadaan siya sa mga toy store ay bumibili siya ng mga laruan. Ganoon siya kasabik na magkaanak. Umasa kasi siyang lalaki ang magiging anak nila kaya pulos laruang panlalaki ang binili niya. Pero marami din siyang biniling mga educational toy na puwede rin sa kahit anong gender. “Akin na po ito lahat, Daddy?” namimilog ang mga mata ni Cyd sa sobrang excitement. “Sige sa’yo na, kaso ang iba d’yan pang baby lang. Baby ka pa ba?” marahang tinapik ng kanyang daliri ang pisngi nito. “Kanino po ito dati?” usisa ni Cyd na nakatuon lamang ang atensiyon nito sa mga laruan. “Ahm, binili ko talaga ‘yan p

