UMIIYAK si Cyd habang nakikiusap kay Camille na isama si Izaiah sa field trip sa Zoobic Zafari. Nauubos na ang kanyang pasensya dahil puro na lang Daddy Izaiah ang bukang bibig nito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakakahiya naman kung aabalahin niya si Izaiah. Alam niyang hindi sila matatanggihan nito kung sakali pero naisip niyang masyado na silang abala sa lalaki. Lumapit ang amang si Alfred sa mag-ina. “Oh, bakit umiiyak ka, apo?” tanong ni Alfred. Agad na lumapit si Cyd sa lolo nito at tumabi nang makaupo ito sa sofa na kinauupuan nila. “Naku, Dad! Pinagpipilitan na naman po ang gusto niya.” “Lolo, kasi gusto ko lang naman po kasama si Daddy sa field trip namin, ayaw ni Mommy,” paliwanag nito habang umiiyak. “Tahan na, apo,” pag-aalo ng lolo sabay na napatingin sa kanya. “Eh

