CHAPTER 31 NAPASARAP ang usapan nila sa sala dahil bibong-bibo talaga itong si Cyd. Kaya hindi nila namalayan na halos dalawang oras na ang lumipas. Mayamaya ay nagyaya na ang mag-asawa na pumunta sila bandang likuran ng kanilang bakuran. Naiwan si Camille sa living room dahil ayon sa mga ito ay may kaunting sorpresa daw para sa kanya. Nagtaka siya dahil hindi naman niya ngayon birthday. Papalapit sa kanya si Grace na may dalang panyo na ipampipiring sa kanyang mga mata. “Uh, nandito ka na pala?” Akala ko hindi ka pa dumarating?” Ang pagkakaalam kasi niya ay nasa café pa itong si Grace. “Kanina pa po ako, Ma’am,” sagot nito. Hindi niya napansin ang pagdating nito siguro dahil abalang-abala sila kanina sa pag-uusap. “Ano na naman ‘tong sektreto n’yo?” tanong niya. “Secret!”

