PARANG wala sa sarili na nagda-drive pauwi si Izaiah. Napapahigpit ang hawak niya sa manibela. Aminado siyang nasaktan siya sa pagtanggi ni Camille sa kanyang proposal pero pilit niyang iniintindi ang dahilan nito, kahit hindi niya lubos maintindihan kung bakit. Handa naman siyang maghintay dahil napagtiisan na niya iyon nang halos apat na taon. Pero minsan nagtatanong siya, ganoon ba siya kahirap mahalin? Nasasaktan siya dahil si Cyd ang higit na apektado sa sitwasyon. Nangako siya sa bata na pagkatapos ng proposal ay aayusin na nila ang kasal ng mommy nito at magsasama na sila sa iisang bubong. Masayang-masaya si Cyd sa narinig mula sa kanya at umasa na matutupad na ang pinapangarap nitong maging totoo siyang daddy nito. Pero parang binigo niya at pinaasa lang si Cyd dahil mukhang malab

