KASALUKUYANG nasa parke sina Camille at Izaiah. Umupo sila sa dati nilang tambayan sa ilalim ng malaking puno. “Ano ba ‘yong pag-uusapan natin na tila napaka-importante at dito mo pa talaga ako dinala? P’wede naman tayo mag-usap sa loob ng café, bakit dito pa talaga?” “Ayokong may makarinig sa pag-uusapan natin,” tugon nito. Kumunot ang kanyang noo. “Teka, nag-almusal ka na ba?” tanong niya na sinipat ang seryosong mukha ng lalaki. Napatingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nais ipakahulugan ng mga titig na iyon. Punong-puno ito ng mga katanungan. “Magtapat ka na sa’kin…” “Magtapat ng ano?” bigla siyang naalarma. “Anong meron sainyo ni Ivan?” matigas ang anyo nito. Tumahip ang kaba sa kanyang dibdib. Ibig sabihin ay nakita sila nito kanina na magkausap? “Ano kasi…” nag-a

