NANG makarating sa bahay sina Cyd ay agad na dumeretso ito sa silid ng ina para ibalita na kasama niya si Izaiah. “Mommy, kasama ko po si Daddy!” ani Cyd na excited na humalik sa kanyang pisngi. “Si Izaiah, nandito siya?” tanong niyang napaupo sa kinahihigaang kama. “Opo, Mommy, nando’n po siya sa baba. Tara, puntahan po natin!” yaya sa kanya ni Cyd. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa lalaki. Halos dalawang linggo kasi itong nanahimik at hindi sila kinausap tapos ngayon ay biglang magpapakita. Noong tinawagan siya ni Ivan sa telepono para ibalita ang nangyaring pagpanaw ni Hero ay nalaman din niya na naroon din pala si Izaiah. Nagtaka siya kung bakit? Pero si Ivan na mismo ang nagsabi sa kanya ng lahat. Pero bago iyon ay nagkausap na sila noong binisita nito si C

