IKA-38 YUGTO “Chelsey I’m just here to talk to you, pakinggan mo lang ang sasabihin ko, please,” usal nito. Matigas siyang umiling. “You know I don’t listen to a jerk like you. I’m done with you jared at hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa ’kin noon,” aniya. “Chelsey . . .” “I told you to stay away from me!” sigaw niya rito kaya natigilan naman si Jared at matagal siyang tinitigan saka huminga ng malalil. “Okay, let’s talk like this . . .” sabi nito at tumayo malayo sa kanya ng isang metro. Inilabas niya ang kanyang cellphone at ipinakita sa mga ito ang pagtawag niya kay Luigi. Parehong nagulat ang mga ito lalo na si Miss Sania, parang nawalan ng kulay ang mukha nito. “Kung hindi niyo ako ibabalik sa resort, binibigan niyo ng problema ang mga sarili niyo,” sabi niya haba

