IKA-37 YUGTO “Ang ganda naman dito!” namamanghang bulalas niya kay Janice. “Sinabi mo pa! Mabuti na nga lang at nauna tayong maipa-reserve natin itong lugar na ’to ng ilang araw. Kung hindi tiyak na made-delay na naman tayo,” ani Janice na pinagmamasdan ang buog paligid. Nasa last setting sila ng photoshoot nila sa Subic. Iyon na ang Grand Finale ng Gold Theme nila, kahit papaano ay nairaos naman nila ang mahigit isang linggo photoshoots doon. Hindi nagbago ang pagiging maarte ni Micah palala pa nga iyon ng palala pero gayunpman ay sila na ang nag-adjust at tiniis na lang ang pag-iinarte nito kahit na ang totoo ay gusto na rin niyang sungalngalin ang bunganga nito. “Naisip mo na ba kung kailan mo gustong magmartasa palapit sa altar?” tanong sa kanya ni Janice. Huminga s

