"Welcome to Austramica, Yolly," magiliw na salubong sa'kin ni Sir Felan. "Salamat po, Sir—" "Anong Sir? Felan na lang, parang hindi tayo close niyan eh!" nakangiti niyang putol sa pagsasalita ko. Ako yata ang hindi na-inform na close pala kami! Nahihiya naman akong ngumiti bilang tugon dahil ako lang din yata iyong nakarating ng ibang bansa na walang suot na underwear! Sa ilang oras na byahe sa eroplano ay nagdrama pa kasi ako, nagpapalambing kumbaga kay Rusca kaya nawaglit sa isip ko ang kasalukuyang ayos. Ngayong nakababa na kami at papalabas ng ng airport ay tsaka ko pa naalala kaya mahigpit ang kapit ko kay Rusca. Nakaka- overwhelmed din dahil kahit saan dumako ang tingin ko ay nakatatak ang apelyidong Carson. "Didiretso ba kayo sa bahay mo o sa bahay nina Lola Niña?" tanong n

