*Unknown POV* ”Gumising na daw ang ama ni Janine,” balita sa akin ng tauhan ko. ”Good,” tumango ako sa kanya, ”Kumusta si Marco?” ”Araw-araw pa ring nakamanman sa labas ng bahay,” saad niya, ”pero hindi pa naman ito kumikilos.” ”Ipahanda niyo na ang lahat na kailangan para sa kasal,” nagsalin ako ng alak sa baso, ”tatapusin na natin ang paghihirap nila. Sabihin mo sa organizer na dito na ako magpapasukat ng susuotin ko sa kasal. Ayokong may makakita sa akin na nagsusukat.” Palaban pa rin si Marco at talagang pinapakita niya sa akin na hindi siya sumusuko. Ilang beses pa siyang nahuling nagtankang pumuslit sa bahay. ’Mga bata talaga,’ napailing ako saka ko nilagok ang natirang alak sa baso, ’masyadong mapusok pero hindi naman nag-iisip.’ ”Ibabalita ko na ba kay Janine na matutuloy

