bc

Mrs. Evergreen

book_age16+
17
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
drama
bxg
scary
actor
brutal
like
intro-logo
Blurb

After that unfaithful night with her young master, Emma woke up in the chaotic and complicated world of the Evergreens.

chap-preview
Free preview
Prologue
‘His world is a dream, Mine is a nightmare, but I want something in between’ - Cinderella, Into the Woods (2014) ••• Alam ko isa itong malaking kasalanan. Nguni’t hindi ko matanggihan ang bawat haplos niya sa balat ko. Ang mainit at malambot niyang mga palad na dumadampi sa katawan ko. Mariin akong napapikit habang hinahayaan siyang punuin ng halik ang leeg ko. Ang daming sinasabi ng utak ko na itulak siya at tumakbo palayo nguni’t sadyang iba ang gusto ng katawan ko. Napamulat ako ng maamoy ko ang malakas na amoy ng alak mula sa kaniya. Mas lalong bumilis ang paghimas niya sa katawan ko at paghalik sa leeg ko hanggang sa dibdib ko. “Sir—“ Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko sa sandaling dumampi ang mga labi niya sa labi ko. Sa mga sandaling ‘yon, alam kong hindi na ako makakatakas pa. Nalulunod na ako sa mga halik at mga haplos niya. Napahawak ako sa magkabilaang balikat niya sa sandaling maramdaman ko ang mahigpit niyang paghapit sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Kahit na nahihirapan ako sa pwesto namin ay hindi ko iyon pinansin at kumapit lang sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na gagawin ko ang bagay na ito at sa labas pa. Sa gilid ng kalsada kung saan nakahinto ang kotse nya. Napasinghap ako ng maramdaman ang mga kamay niya sa ilalim ng palda ko. Nababaliw na ata ako at hindi ko magawang pigilan ito. Nagpadala lamang ako sa mga ginagawa niya sa akin at tumutugon sa bawat paghalik niya. “S-Sir…” Nauutal kong wika sa sandaling maramdaman ang mga daliri niya sa mga hita ko. Halos huminto naman sa pagtibok ang puso ko ng tumigil siya at tinitigan ako. Ilang segundo pa ay hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha ko. “You’re mine tonight.” Bulong niya sa akin at muli akong hinalikan. Sa pagkakataong iyon hindi na ako umimik at nag-react pa sa mga halik at haplos niya. Hinayaan ko siyang hubarin ang saplot ko at angkinin ang buong pagkatao ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit ko ito nagawa. Malalim ang gabi at walang dumadaang mga sasakyan sa kalsadang ito. Tanging kaming dalawa lang, parehong hubo’t hubad sa loob ng kotse niya, sa ilalim ng buwan ang nandito. Nanatili siyang nasa ibabaw ko habang nakadampi ang ulo sa dibdib ko na ngayon ay mahimbing na sa pagkakatulog. Pagkatapos ng ginawa namin ay bigla siyang nakatulog habang ako ay kung ano-ano pa ang tumatakbo sa isipan. Ano ang mukhang maihaharap ko sa kaniya kinabukasan? Sinubukan kong alisin siya sa ibabaw ko upang makaalis na ako dito. Hangga’t mahimbing pa ang tulog niya ay kailangan kong makaalis. Nguni’t bigla siyang humawak ng mahigpit sa akin. Niyakap ako ng mahigpit at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Nahirapan din naman akong igalaw ang katawan ko ngayong nakahubad siya sa gitna ng mga hita ko. Emma, ano ba itong pinasok mo? Talaga bang hindi mo pinigilan ang sarili mong pumatol sa amo mo? “Don’t go away, Celyn. Please.” Natigilan ako noong marinig ko iyon. Hindi ko madalas na marinig mula sa kaniya ang mga katagang iyon at ang boses na iyon. He sounds so innocent and pure. Malayong-malayo sa lalaking laging iritable at suplado na naririnig ko araw-araw. Celyn— Ang kaniyang kasintahan. Nanatili ako sa posisyon ko nguni’t bigla pa siyang gumalaw at hinigpitan ang yakap katawan ko. “Stay with me forever.” Muli niyang wika at sa pagkakataong ito, naramdaman ko na namamasa ang leeg ko. Umiiyak ba siya? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila ng kaniyang nobya at nagpakalasing siya. Pero hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko at bigla akong naawa sa kaniya. Dahan-dahan ko siyang niyapos at pinulupot ang mga kamay ko sa likod at marahang hinaplos ang kaniyang likod. “Nandito lang ako.” Bulong ko at hinalikan siya. Sa unang pagkakataon nakita ko ang maamong mukha ng amo ko. Pumikit ako at hinayaan na lamang ang posisyon namin. Bahala na kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya kinabukasan. Alam kong mali ito. Hindi ko rin naman siya gusto. Nguni’t kahit sinong babae ay hindi matatanggihan ang isang Gaxton Evergreen. At hindi ko ipagkakailang isa ako sa mga babaeng hindi nakatakas sa init ng haplos niya. Iminulat ko ang mga mata ko ng makarinig ako ng maingay sa paligid. Naramdaman ko rin ang sakit ng katawan ko at unti-unting pag-alis ng mabigat na nakadagan sa akin. Agad akong napamulat ng maalala ang nangyari. Sa ibabaw ko ay si Sir Gaxton na nagtatakang nakatingin sa akin. Sunod ay pareho kaming napalingon sa mga taong sumisilip sa nakaawang na bintana ng kotse. “Sh*t.” Isang malutong na mura ang narinig ko saka niya mabilis na pinindot ang button para masara ng tuluyan ang mga bintana. Tumingin siyang muli sa akin at tinakpan ng damit niya ang mukha ko. Ito ay para hindi ako makunin ng litrato ng mga nasa labas. Naramdaman kong umalis na siya sa ibabaw ko at umandar ang kotse. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at kinuha ang nakatakip sa mukha ko saka ito sinuot. Malaki sa akin ang polo niya kaya namin ay sakto na ito para maging damit ko. Nakita kong naka-boxer na rin siya habang dire-diretso sa pagmamaneho. “Fvck.” Mura niya ulit habang napapahawak pa sa ulo niya. Niyakap ko na lamang ang sarili ko at napayuko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kaba at sakit ng katawan. Pero mas nangingibabaw ang kaba. Damang-dama sa loob ng kotse ang galit ng isang Gaxton Evergreen.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook