“Emma!”
Napalingon ako kay Manang Susan na kakapasok lang sa kusina. Marahan kong nilapag ang mga pinggan na pinunasan ko ‘saka siya nilingon.
“Bakit ho?”
“Nandiyan na si Sir Gaxton. Bumalik na siya.”
Kumabog ang dibdib ko nang marinig iyon. Halos isang buwan na hindi umuwi ng mansiyon si Sir Gaxton. Pagkatapos ng nangyaring iyon, kumalat sa balita na ako ang nobya niya. Umalis si Sir Gaxton ng pilipinas at nag-abroad.
Ang narinig kong sabi ni Madam ay upang sundan si Celyn Gomez matapos netong mag-ibang bansa dahil sa balitang iyon.
“G-ganun po ba?”
“Pasalamat ka hindi ka pinalayas ni Madam dito sa mansiyon pagkatapos ng eskandalong ginawa mo.” Wika ni Manang Susan at nilapitan ako. “Kalat pa rin sa balita na ikaw ang mapapangasawa ni Sir Gaxton.”
“Anong gagawin ko? Sinubukan kong magpaalam kay Madam pero hindi niya ako pinayagan. Sabi niya ‘wag daw ako lumabas ng mansiyon.”
“Sundin mo na lang si Madam, Emma. Ang laking gulo ang pinasok mo. Alam mo namang sinusundan ng mga chismosa iyong si Sir Gaxton. Inaabangan nila lagi kung sino ang babaeng nakakasama at ginagawan ng chismis. Yun pa kayang nakitang nag-ano kayo?”
Napayuko na lamang ako at napakagat labi. Hindi ko talaga alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Sir Gaxton.
Hindi ko siya nakausap pagkatapos ng nangyaring iyon. Pinagsesermonan lang ako ng mga magulang at kapatid niyang babae saka ko nabalitaan na lumipad si Sir papuntang abroad.
Ngayon, nandito na ulit siya. Nagbati na kaya sila ng fiancee niya?
“Umuwi na lang kaya ako ng probinsya?”
“Huh? At bakit?”
“Doon walang makakaalam tungkol sa issue ko. At hindi ako makikita ng mga reporters. Edi, hindi na magkaka-issue si Sir Gaxton.”
“Kung sabagay, tama ka. Mas safe kung umuwi ka ng probinsya at magpakalayo-layo. Mukhang wala pa naman sa mood si Sir Gaxton kanina pagkadating.”
Mas lalo namang kumabog ang dibdib ko doon sa sinabi ni Manang Susan. Hindi ko makalimutan ang galit na mukha ni Sir Gaxton. Kahit na hindi na niya ako tiningnan pagkatapos non.
Naaalala niya pa kaya ang mukha ko?
Halos buong araw kong sinisilip na sana hindi ko makasalubong si Sir Gaxton. Malaki naman ang mansiyon at madalang mo lang talaga makikita ang mga amo mo na pakalat-kalat sa sala.
Nakahinga ako ng malalim dahil nakita kong walang tao sa hardin. May pavillon dito sa garden nila. Sa gitna ay mag mesa at iilang mga upuan.
Mukhang may nanggalong dito dahil may mga tasa pa na halatang kakatapos lang gamitin. Kinuha ko na ang mga iyon at niligpit.
“Hey!”
Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang pinsan ni Sir Gaxton. Si Miss Amanda Evergreen-Cruz. Siya ay halos kasing edad ko lang. Maganda at sopistikada.
“Miss Amanda, bakit po?” Wika ko at hinarap siya. Twenty ako habang siya naman ay twenty one. Nag-iisang anak siya ng kapatid na babae ng ama ni Sir Gaxton. Isa siyang artista. Hindi ko alam kung sikat ba siya. Hindi naman ako sanay manuod ng tv.
“Tita Carmill is looking for you.” Mataray na wika nito habang naka-krus ang mga braso.
“Ako? Ah sige po.” Binuhat ko na ang tray na puno ng tasa nguni’t bago pa man ako makalagpas sa kaniya ay narinig ko pang may sinabi siya.
“Just do what they say. Never talk to Kuya Gaxton. He is really mad as in mad mad! Kung ayaw mong matusta ng maaga.”
Napalunok ako at nanginig pa nga ang kamay ko.
Tumango na lamang ako sa kaniya at nilisan na ang lugar na ‘yon. Alam kong galit si Sir Gaxton. Nguni’t hindi ko na alam kung gaano siya kagalit ngayon.
Matapos kong mahugasan ang mga tasa ay nagpunas na ako ng kamay. Hinanap ko na kung nasaan sila Madam Carmill.
“Emma, dali!” Sinalubong naman ako ni Manang Susan at ng isa pang kasambahay.
“Oh, bakit po?”
“Kanina ka pa hinahanap nila Madam. Bilisan mo!”
Habang sinusundan ko naman sila ay kumakabog talaga ang dibdib ko. Nandoon kaya si Sir Gaxton? Buong araw ko kasing tinataon na hindi makasalubong ni anino nila. Hindi ko alam paano haharapin ang pamilya nila kahit isang buwan na ang nakakalipas.
Ano kaya ang reaksyon ni Sir Gaxton kung makita niya ulit ako?
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa isang malawak na kwarto kung saan nandoon ang halos buong pamilya ng mga Evergreen.
Una kong nakita si Madam Carmill na nakatayo sa tabi ng kaniyang Asawa na si Don Fred Evergreen. Ang dalawang babaeng anak din nito na nakaupo sa kabila pang couch at iilang mga kamag-anak nila.
Nguni’t ang mas nakakakaba ay ang pigura ng lalaking hindi ko nanaising makita sa mga sandaling ito.
Si Sir Gaxton Evergreen na nakaupo sa isang single couch sa gilid.
“Madam, Señor, ano pong maipaglilingkod ko?” Mahinahon kong tanong habang nakayuko. Sinusubukang pakalmahin ang sarili.
“So, she is the girl.” Isang boses ng lalaki ang narinig ko. Hindi ko siya kilala pero medyo hawig kay Sir Gaxton. Isa din aga siya sa nga pinsan nila na madalang lang pumunta dito sa mansiyon.
“Yeah. She’s the maid who caused this problem.” Ani Miss Belle, ang pangalawang anak na babae ni Madam Carmill.
“Stop it, Belle.” Saway ni Madam Carmill at tiningnan ako. “Emma, come here.”
Marahan akong naglakad at lumapit pa sa kanila dahilan para mas lalo kong nasilayan ng mas malapitan si Sir Gaxton.
Tahimik lamang siyang nakaupo habang nakatingin sa akin.
At dahil pakiramdam ko nagwawala ang dibdib ko sa loob, iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tiningnan si Madam.
“Bakit po?”
“As you can see, the problem you brought to our family is not yet solved.” Wika neto. Mas lalo akong napayuko dahil parang pakiramdam ko nasa akin lahat ng sisi. “It’s been a month but still the people are asking questions about you. Your face is still circulating on social media. And we can’t keep on hiding you forever. We can’t keep running away from them.”
“P-patawad po, Madam. Naiintindihan ko kung papaalisin niyo na po ako dito.” Tiningnan ko si Sir Gaxton kahit na kinakabahan ako. Gusto kong malaman niya na sincere ako. “Promise, ipapaliwanag ko po sa kanila ang lahat at ang totoong nangyari. Pagkatapos babalik na po ako sa probinsya para matahimik na po ang lahat. Sir Gaxton, patawad kung—“
“What? No!”
Lahat kami ay napatingin kay Madam Carmill.
“Po?”
“You can’t tell the press about you. You can’t tell the world that my son slept with a maid.”
“Mom!” Narinig kong sumingit si Sir Gaxton na tila gusto nitong pigilan ang ina sa mga sinasabi.
Naramdaman kong parang nangingilid ang luha sa mga mata ko. Ganon ba ako ka nakakadiri?
“No way it’s happening. I called you all here, para malaman niyong Gaxton will be marrying Emma.”
“WHAT?” Lahat ay sabay-sabay na napasigaw. Kahit ako ay nanlaki ang mata at ang mga babaeng kapatid ni Sir Gaxton ay napatayo na.
“Po?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“But it’s not a real wedding. We’ll set everything up. Ipapalabas sa media na girlfriend niya talaga si Emma. Emma, all you have to do is act sophisticated. Act as if like you’re a woman deserving to be Mrs. Evergreen. And then we’ll set a fake wedding and tell the media that you had divorced after weeks of your marriage. And then that’s it. Gaxton can announce her engagement with Celyn this time with no more issues. As long as people won’t know that you slept with my son.”
Hindi ako agad na nakapagsalita. Isa-isa kong tiningnan sila at lahat ay hindi maipinta ang mukha. Lahat ay parang hindi sang-ayon sa ideya nguni’t wala din naman silang maisip na ibang paraan.
Dumapo ang tingin ko kay Sir Gaxton. Nakakunot ang noo niya at hinihimas ito.
Naiintindihan ko ang gustong iparating ni Madam. Ang pamilya nila ay pamilya ng nga artista, politicians at mga businessmen. Pinapangalagaan nila ang mga pangalan nila.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
“At maaari na po akong umuwi ng probinsya pagkatapos neto?”
“Oo. Babayaran ka namin ng kahit anong halaga para doon ka na sa probinsya niyo. ‘Wag ka nang bumalik dito sa Maynila.”
Napatawa ako ng mapakla sa isip-isip ko. Sa isang gabing pagkakamali, nauwi sa ganito ang buhay ko.