Nagkaroon pa ng mahabang usapan pagkatapos non. Naglabas ng mga opinyon ang ilan. Nguni’t si Sir Gaxton, tahimik lang sa buong eksena. Hindi siya nagsalita. Ni hindi siya umayaw o sumang-ayon.
Huminga ako ng malalim kumuha ng tubig sa kusina. Hindi ako makatulog kakaisip kung ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos nito.
Gusto nilang umarte akong isang babaeng mula sa pamilya ng mayayaman. Habang tinitingnan ko ang mukha ni Sir Gaxton kanina, halatang napililitan lang siyang sumang-ayon na magpanggap akong girlfriend niya.
“Nakailang buntong hininga kana?”
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Sir Daniel. Ito ay pinsan ni Sir Gaxton sa mother side. Madalas siya dito sa mansiyon dahil isa siya sa paboritong pamangkin ni Madam Carmill at laging inaanyayahang dumalaw.
“Uh, Sir Daniel, andyan po pala kayo.” Agad kong hinugasan ang baso at umayos ng tayo.
“Calm down. Hindi mo naman kailangang mag-panic.” Wika niya ay bahagyang tumawa saka ako nilapitan.
Kinabahan ako dahil huminto sya sa harap ko. Pigil hininga pa ako habang nakatitig sa kaniya na papalapit ng papalapit sa akin nguni’t natigilan ako ng dumampot siya ng baso sa likuran ko. “Nauuhaw ako.” Wika niya at kinindatan ako.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa tingin ko nahuli niyang nag-assume ako na iba ang gagawin niya. “So, why aren’t you sleeping?”
“Huh? Ah, h-hindi lang po kasi ako inaantok.”
“Dahil ba sa sinabi ni Tita kanina?”
Tiningnan ko lang siya at hindi ako nagsalita.
“Let me apologize on her behalf. I know, nadadala lang sa emosyon niya si Tita dahil ayaw niyang masira ang pangalan ni Gax. She didn’t mean to insult you. I hope you won’t put grudge on her.” Dagdag nito at sumandal sa counter kung saan din naman ako nakasandal.
Lagi kong alam sa umpisa pa lang kung bakit paboritong pamangkin ni Madam Carmill si Sir Daniel. Maliban sa mabait ito ay sobrang maalaga. Ni minsan hindi ko pa siya narinig na sumigaw o nagalit. Lagi siyang nakangiti lang.
“Hindi naman po dahil don. Naiintindihan ko si Madam Carmill. Kahit naman siguro ako ang ina ni Sir Gaxton, hindi ko rin siguro gugustuhing masangkot ang pangalan niya sa isang babaeng walang pinag-aralan. Ulila at—“ Natigilan ako ng hawakan ni Sir Daniel ang kamay ko na nakatukod sa counter. Napatingin ako dito tapos ay sa kaniya.
“Masyado mong minamaliit ang sarili mo, Emma.” Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. “Stop looking at yourself on one angle. Try it using my eyes.”
“H-huh?” Parang nanigas ako habang nakaakbay siya sa akin. Sa unang pagkakataon ay naging sobrang lapit naming dalawa. Kahit na madalas niya akong kausapin before hindi naman niya ako inakbayan o ano pa man.
“What I mean is, something in you makes you different from others. You’re kind and sweet, and pretty. That’s enough for you to see your worth, Emma.”
Napangiti ako ng palihim. Buong buhay ko, nakikita ko na ang sarili kong nasa pinakaibaba. Kung baga, parang isang butil ng buhangin sa dagat. Hindi napapansin, walang halaga at hindi pagkaka-interesan.
“Salamat.” Mahina kong tugon.
“You want hot chocolate? I can make one for you. We can drink it at the veranda. Hindi ka pa naman inaantok, di ba?”
Tumango na lamang ako at sumama sa kaniya. Pinanuod ko pa siya habang gumagawa siya ng tsokolate. Nabanggit na niya sa akin dati na hilig niya ang tsokolate. Kaya naman business niya ngayon ay pagawaan ng tsokolate.
Sinet-up na namin ang mga tasa namin sa veranda. Pinaupo niya ako sa isang upuan at siya ang nagbuhod ng tsokolate sa tasa ko.
“Salamat.”
“Dahan-dahan, mainit ‘yan.” Wika niya at umupo na rin.
Sininghot ko ang mabangong anoy nito. Eksakto pa nga siya dahil ang lamig ng hangin dito sa labas.
Hihigop na sana ako nguni’t natigilan ako ng mapansin kong may nakatingin sa itaas. Sa isang balkonahe kung saan ang silid ni Sir Gaxton.
Tinitigan ko ito ng mabuti at hindi ako nagkakamali. Si Sir Gaxton ay nakatayo sa balkonahe ng silid niya habang nakatingin sa amin.
Bigla akong kinabahan. Baka mamaya ay iniisip niya papetiks-petiks lang ako dito sa mansiyon nila.
“Emma, are you okay?”
“Huh? Ah opo. Okay lang ako.”
“Mukha kang balisa.”
“Ah hindi po. Parang tinatamaan lang ako ng antok na.”
“Oh, really. Ubusin mo muna ‘yang tsokolate mo saka sabay na tayong pumasok.”
Ngumiti na lamang ako at inubos ang tsokolate. Kahit na magkapaso-paso pa yung dila ko s sobrang init basta lang makaalis na kami doon.
Kinabukasan ay agad naman akong pinatawag ni Madam Carmill.
“Emma, Amanda will help you train. Siya ang magtuturo sa iyo paano gumalaw ng tama. Sa susunod na linggo ay iaanunsyo natin ang engagement nyo ni Gaxton. Siguraduhin mo lang na madadala mo ng maayos ang sarili mo.”
“O-opo, Madam.”
“Sige. I have a meeting to attend to. Amanda, ikaw na bahala.”
“Sure, Tita.” Nakangisi lang si Amanda habang nakaupo sa ibabaw ng mesa. Nakapatong ang isang paa nya sa isa habang nakatingin sa akin. “Maglakad ka nga.” Utos niya sa akin.
Saglit pa akong nagtaka pero sumunod din naman ako. Umirap siya sa akin at tumayo. Ngayon ang mga braso niya naman ang naka-krus.
“Yung maayos na lakad, Emma. Hindi ‘yong parang natatakot ka sa mundo.”
Sinubukan kong maglakad ulit pero napasapo siya sa noo niya. Dumampot siya ng isang libro at nilagay ito sa ibabaw ng ulo ko. “Walk confidently!”
Nagsimula akong maghakbanh nguni’t nalalaglag ang libro. “Tsk! Ulit!” Sigaw niya kaya naman ay umulit ako.
Paulit-ulit ko lang ‘yong ginawa. Muntik ko nang makuha ng tama pero biglang sumuko si Miss Amanda at kinuha ang libro sa akin saka tinapon ito sa isang couch. “Enough with that. Meron pa tayong three days. Doon naman tayo sa dinner table.”
Marami siyang bagay na pinapaliwanag sa akin tungkol sa paggamit ng kubyertos. May tamang pagkain at pag-upo. Hindi ko nga matandaan lahat ng ipinapaliwanag niya.
“You need to act like Mrs. Evergreen, Emma. You will be Kuya Gaxton’s wife for some time and I’m sure maraming mga tao ang tinitingnan bawat galaw mo.” Sabi niya pa sa akin.
“K-kailangan ko po ba talagang makihalubilo din sa kanila?”
“Kahit na ayaw man namin, the moment Kuya Gaxton will announce his marriage to you, businessmen will invite you both to parties and social events. Nakasalalay na lang sa’yo yun. And you can’t embarass the Evergreens.” May halong pananakot pa nga ang pagkakasabi niya.
Napabuntong hininga na lamang ako saka sinunod ang mga inutos ni Amanda. After mga ilang oras ay pinakawalan na niya ako. Kaya naman ay dagli-dagli akong tumakbo sa kusina para tulungan sila Manang Susan.
Nguni’t sabi nila ay kaya na daw nila. Dapat daw ay naka-focus lang ako sa pag-aaral ng mga gustong ituro nila Madam Carmill sa akin para daw hindi ako pumalpak.
Pumunta na lang ako sa ibang gawain. Umalis naman si Miss Amanda kaya wala ring magtuturo sa akin.
Kinuha ko na ang feather duster upang linisan ang mga gamit nguni’t nakita ko ang isang larawan ni Sir Gaxton. Teen ager pa lamang siya nito. Kung hindi ako nagkakamali ay twenty eight na ito ngayon pero walang pinagbago sa mukha. Hindi pa rin ito nakangita at mukhang iritable pa rin kagaya ng nasa picture neto.
“Did Amanda tell you to stare on my photos?” Isang malamig na boses ang narinig ko sa tabi ko. Nakita kong kinuha ni Sir Gaxton ang picture niya sa kamay ko at itinaob ito sa ibabaw ng cabinet.
Napalunok ako bago humarap kay Sir Gaxton. Nakaayos siya at mukhang papunta siya ng trabaho.
“S-sorry po.”
Hindi siya agad na nagsalita at narinig kong nag-‘tsk’ siya. Maya-maya ay inangat niya ang mukha ko gamit ang mga daliri niya sa baba ko.
Bigla akong kinilabutan ng maramdaman ang pagdampi ng kamay niya sa akin. Mas lalo naman akong kinabahan ngayong magpantay ang tingin naming dalawa.
“Two weeks, Woman. After two weeks, stay out of my sight!”
Naiwan akong tulala at hindi makapagsalita. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa trato niya sa akin.
Napahawak ako ng mahigpit sa feather duster at napakagat sa labi ko upang pigilan ang pagluha ko.