Dalawang taon na akong huminto sa pag-aaral. Pagkatapos kong makapagtapos ng Senior Highschool ay hindi na ako sinuportahan ng stepmother ko para mag-aral ng college. Kaya naman ay napilitan akong makipagsapalaran sa Maynila at dito maghanap buhay.
Sinubukan kong mag-apply sa mga kompanya pero hindi ako matanggap-tanggap. Kulang daw ako sa experience.
Nakaka-frustrate man pero paano nga ba ako magkaka-experience kung hindi nila ako bibigyan ng pagkakataon?
Marahan kong pinunasan ang luha ko dahil bigla na lamang itong tumulo. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na mauuwi ang buhay ko dito sa Maynila ng ganito. Mahirap pala naghanap ng trabaho dito na kikita ka ng malaki at hindi ka mamaliitin ng mga tao.
“Oh, Emma, dapat hindi ka na nagwawalis diyan.” Lumapit si Manang Susan sa akin habang may dala-dalang mga tela. Maglalaba siguro siya.
“Bakit naman? Katulong pa rin naman ako dito.”
“Eh, narinig ko kasi si Madam Carmill at Sir Gaxton kanina. Dapat daw readyng-ready ka na kapag inanunsyo na ang engagement nyo.”
Hinarap ko si Manang Susan. “Kinakabahan ako.”
“Aba kabahan ka talaga. Sa itsura mo niyang minsan ay sushunga-shunga ka pa naman baka pagtawanan ka ng mayayaman.”
Parang may kumirot naman sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Manang Susan pero totoo naman. Hindi talaga ako sanay humarap sa mga tao lalo na kung mga mayayaman. Para bang ang layo ko sa kanila.
Hindi na lamang ako umimik at napayuko. Sanay na ako na napaka-prangka ni Manang Susan sa akin. Magda-dalawang taon na kasi kaming magkasama dito bilang katulong at parang nanay ko na din siya. Kaya naman talaga noong pumutok ang balita tungkol sa amin ni Sir Gaxton ay grabeng sermon ang inabot ko sa kaniya. Bukod pa yung panglalait at sigaw ng mga Evergreens sa akin.
“Hey, ba’t nagtsi-tsismisan lang kayo diyan?”
Pareho kaming napalingon ni Manang Susan kay Miss Belle. Siya ang pangalawang kapatid na babae ni Sir Gaxton. Sa pagkakaalam ko ay modelo siya.
“Ah, hindi po, Miss Belle. Sige po, labhan ko na ‘to.” Agad na umalis si Manang Susan dala-dala ang mga tela.
Napalunok naman ako habang nakatingin lang kay Miss Belle na nakataas pa ang isang kilay sa akin.
“You. Hindi porke’t magpapanggap kang Mrs. Evergreen ay magfe-feeling ka na talaga. Tandaan mo peke lang ‘yon. At hindi ‘yon dahilan para makipagdaldalan ka dito sa loob ng mansiyon.”
“N-naiintindihan ko po, Miss Belle. Hindi naman kami nagtsitsismisan.”
“Aba! At talagang sumasagot ka pa?” Bigla niya namang hinila ang buhok ko kaya naman ay agad akong napa-aray sa sakit. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ‘yon.
“Alam mo, sabi ko na nga ba dapat di ka na tinanggap bilang katulong. Alam ko talaga ang balak ng mga katulad mo, eh. I know from the start that you want my brother’s attention. At ngayon inakit mo pa talaga siya para makipagtalik sa’yo!”
“Aray! Hindi po. H-hindi po ‘yan totoo.” Sinubukan kong hilain pabalik ang buhok ko dahil para matatanggal na ‘yong buhok ko sa anit.
“Stupid maid. Akala mo ba magugustuhan ka ni Gaxton? You’re not welcome to our family. Hindi porke’t mabait si Daniel sa’yo magfe-feeling ka na.”
Hindi ko na mapigilan ang mapaluha dahil ang sakit na talaga ng anit ko. “M-Miss Belle, tama na po.” Iyak ko. Parang nanginginig ang tuhod ko dahil parang wala siyang balak na tigilan ang paghila sa buhok ko.
“Remember this. Hindi mo maaahas si Gaxton kay Celyn.” Binitawan niya ng pabigla ang buhok ko at na-out balance naman ako.
Bumagsak ako sa sahig habang hawak ang parte ng buhok ko na hinihila niya habang umiiyak. Nakita ko din naman na naglakad na siya palayo sa akin kaya ay mas lalo akong humikbi.
Two years ago, tinatarayan na talaga ako ni Miss Belle. Ramdam ko na ayaw niya sa akin. Mas lalo lang siyang nagalit sa akin at ngayon ay namimisikal na dahil sa issue ko. Bestfriend niya kasi si Celyn Gomez na isa ring modelo.
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang buhok. Pinunasan ko rin ang mukha ko dahil basang-basa na sa luha. Pinagpag ko ang uniform ko ‘saka suminghot ng huling beses. Buti na lang ay walang ibang tao kundi baka tinatawanan na rin nila ako ngayon.
“Here.”
Napalingon ako sa likod ko at nandon pala si Sir Carlson. Siya ang isang pinsan ni Sir Gaxton na kahawig niya.
Tiningnan ko ang panyo na nasa kamay niya. “Po?”
Nag-smirk siya at pinunasan ang luha ko ‘saka kinuha ang kamay ko at inalagay doon ang panyo. “Tss. Such a naive girl.”
Napatitig lang ako sa kaniya at napatingin sa panyo. Madalang ko lang talaga makita si Sir Carlson dahil hindi sya madalas pumunta dito sa mansiyon. Ang rinig ko ay madalas daw ito sa condo niya. Pinagbabawal kasi ni Don Fred ang pagdadala ng mga babae dito sa mansiyon kung mga kalandian lang din naman.
“S-salamat po.”
Nag-cross arms siya sa harap ko at sumandal sa isang estante na nasa gilid namin.
“Do you think a simple ‘thank you’ will do?”
Muli ko siyang tiningnan ng nagtataka. Ano naman ang ibig niyang sabihin. “Ah, may iuutos po ba kayo? Nagugutom po ba kayo? Ipagluluto ko kayo, Sir.”
Narinig ko ang sarkastikong tawa niya at napailing pa. Para siyang tumatawa sa harap ng isang paslit. Maya-maya pa ay lumapit siya sa akin at inilapit ang bibig niya sa taenga ko.
“Be in my room mamayang gabi.” Nanlaki ang mata ko sa bulong niya na kumiliti pa nga sa taenga ko ang hininga niya. “10pm sharp.”
Pagkatapos niyang ibulong ‘yon ay agad na niya akong nilagpasan at iniwan.
Anong ibig niyang sabihin? Mamayang gabi sa kwarto niya? Nguni’t wala naman siyang ipinapadala.
Baka magpapalinis ng kwarto?
Huminga na lamang ako ng malalim ‘saka inaayos muli ang sarili. Inilagay ko din sa bulsa ko ang panyo ni Sir Carlson at bahagya akong napangiti.
Rinig ko babaero daw siya. Sabi ng ibang katulong naririnig daw nilang pinapagalitan si Sira Carlson ni Madam Carmill sa telepono dahil daw sa panibagong balita sa tv na may bagong girlfriend na naman daw siya.
Si Sir Carlson Evergreen ay anak ng kapatid na lalaki ni Don Fred. Namatay ang mga magulang neto dahil sa car accident kaya naman ay nasa puder na ito ng mga magulang ni Sir Gaxton. Isa siyang sikat na artista at talaga namang ang gwapo.
Kung hindi lang sguro mukhang laging galit at iritable si Sir Gaxton ay lilitaw din ang sobrang kagwapuhan niya. Si Sir Carlson kasi laging nakangiti.
Umiling-iling ako at inalis na sa isip ko si Sir Carlson.
Tinapos ko na ang mga gawain pagkatapos nila mag-dinner. Tinulungan ko din si Manang Susan sa mga sinampay niya at tinupi pa namin dito.
May mga ibang damit din na pinaplantsa niya sa akin.
Pagkatapos ng ilang oras ay napatingin ako sa de keypad kong cellphone. Maga-alas dyes na kaya naman ay binilisan ko na ang ginagawa ko. Baka kasi magalit pa si Sir Carlson kung bakit ang tagal ko.
Kakamadali ko nga ay nahulog pa ang selpon ko at kamuntik nang masira. Buti na lang matibay ang mga keypad na phones.
Nilabhan ko din muna ang panyo na pinahiram ni Sir Carlson sakin saka ko sinampay.
Pagsapit ng alas dyes ay dumiretso na ako sa kwarto ni Sir Carlson. Alas dyes na kasi kaya hindi ko alam kung gising pa ba sya o tulog na.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses. Nguni’t walang sumasagot kaya naman ay pinihit ko ang pinto at sumilip sa loob.
Medyo madilim at ang tahimik sa loob. Wala siya sa higaan niya kaya isasara ko na sana ang pinto pero may biglang humila sa akin papasok sa loob.
Muntik pa akong mapasigaw sa gulat pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.
“Quiet. Baka marinig ka nila.” Wika niya at binitawan ako.
“S-Sir Carlson, bakit niyo po pala ako pinapunta dito?” Nanatili akong nasa likod ng pinto at diretsong nakatayo.
Humakbang siya papunta sa kama niya at umupo sa edge non. Wala siyang suot na pang-itaas kaya naman ay medyo naiilang akong tingnan siya.
Narinig ko siyang tumawa. “Tsk. Are you really that innocent or you’re just pretending?”
“Po?”
Nag-smirk siya. “Come here.”
Nagdalawang isip pa ako bago ako lumapit sa harap niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman ay medyo nailang pa ako.
Aatras na sana ako nguni’t bigla niya akong hinila papalapit at sa isang iglap ay nakahiga na ako sa kama niya habang siya ay nasa ibabaw ko.
“S-Sir Carlson…”