04

1486 Words
Kumabog ng malakas ang puso ko habang nakatingin sa kaniya sa ibabaw ko. Mas lalo pa nga akong kinabahan dahil nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at parang inaamoy ako. “Hmmm. That’s why.” Bulong niya na hindi ko naintindihan. Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa dibdib niya at itutulak na sana siya pero ang bigat at ang lakas niya. “S-Sir, lalabas na po ako.” “What?” Nagkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Are you dumb?” “P-po?” “Pupunta ka dito tapos aayaw ka din pala?” “Po?” Hindi ko siya maintindihan. “S-sabi niyo po pumunta ako dito.” Natigilan siya ng bahagya at tumawa. May halong inis yung tawa niya. “Tsk.” Tumayo siya mula sa pagkakadagan sa akin at hinila ang kamay ko para mapatayo din ako. “That’s why they bully you like that.” “Anong ibig mo pong sabihin?” Tanong ko habang nakaupo sa edge ng kama niya. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakatingin sa akin habang nasa beywang ang isang kamay. “Emma. Emma, right?” Tumango lamang ako sa tanong niya. “You’re so naive. Hindi ka man lang ba magtataka bakit kita papupuntahin dito sa kwarto ko ng des oras ng gabi?” Saglit akong natigilan. Na-weirduhan ako sa umpisa dahil bakit gabi? Pero naisip ko amo ko siya at kailangan kong sundin ang mga utos niya. “Gusto lang po kitang pagsilbihan dahil nagtatrabaho ako sa inyo.” At hindi naman siya mukhang nananakit ng babae. Napatitig lang siya sa akin pero maya-maya ay ngumiti siya. Humakbang siyang muli papalapit sa akin at lumuhod pa sa harap ko. Hinawakan niya ang magkabilang hita ko at binuka ito para doon siya pumwesto sa gitna non. Napasinghap ako dahil sa ginawa niya pero hindi ako makagalaw kasi nakabakod ang dalawang braso niya sa gilid ko. “Do I have to word it out, Emma?” Bulalas niya. Nakakunot ang noo. “S-Sir Carlson…” “Do I have to say that I want to fvck you?” Napasinghap ako sa sinabi niya at sa di ko malaman na dahilan ay bigla ko na lang siya nasampal. Nagulat pa ako sa ginawa ko pati siya. Napatakip ako sa bibig ko habang hindi alam kung ano ang gagawin. Nakita kong namula ang pisnge niya dahil sa sampal ko. Itutulak ko na sana siya pero tiningnan niya ako ng masama. “S-Sorry po—“ “Then how did Gaxton convince you to have s*x with him?” Parang umakyat ang dugo ko sa mukha ko sa inis at hiya. Agad ko siyang tinulak kaya naman ay napaupo siya sa sahig. Tumayo ako at tumakbo papunta sa pinto saka mabilis na lumabas. Malakas pa nga ang kabog ng dibdib ko habang nasa labas ako ng pinto niya. Pino-proseso pa sa utak ko ang nangyari. Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto niyang may mangyari sa amin? Napakagat ako sa labi ko dahil gusto kong pigilan ang pag-iyak ko. Sa tingin niya ba isa akong babaeng madaling mapa-oo? Dahil lang sa isang gabing pagkakamali? Aalis na sana ako doon pero natigilan ako. Mas dumoble pa ang kabog ng dibdib ko dahil nakita ko si Sir Gaxton na nakatayo. Nakasuot siya ng pang-office at mukhang kakarating niya lang. Ang lamig ng aura niya. Ang talim pa ng tingin niya. Yumuko ako ng bahagya ‘saka ako mabilis na tumakbo papunta sa maid’s quarter. Pagbukas ko ng pinto ay tulog na si Manang Susan. Humiga ako pagkatapos kong magbihis ng pantulog at nagtalukbong ng kumot. Pinipigilan kong humikbi baka kasi marinig ni Manang Susan. Parang bumibigat yung dibdib ko. Dito na ata talaga magsisimula ang kalbaryo sa buhay ko. Kinabukasan ay pinapunta agad ako ni Miss Amanda sa silid kung saan niya ako tinuturuan siya. Isang hall na di naman kalakihan. May piano sa gilid. “Anong nangyari sa mata mo?” Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Namugto kasi ang mata ko kakaiyak kagabi. “Wala po ito. Napuyat lang.” “Gosh, Emma. Next week na ang engagement niyo. Huwag na huwag mo talagang ipapahiya ang pamilya namin.” Naiinis na tugon niya at nilagay ang libro sa ulo ko. “Walk! Don’t slouch, Emma. Chest out.” Sunod-sunod na ani niya kaya naman ay ginawa ko na lang. Ilang beses niya akong pinaglakad-lakad kaya ang sakit na ng paa ko. Matapos naman niya akong paglakarin na may libro sa ulo ay pinasuot niya ako ng 3 inches high heel. Napalunok pa nga ako dahil hindi ako sanay magsuot ng matataas na heels. Pero buti na lang at kinaya ko. “Ngayon, kapag nasa dining table dapat hindi ka maingay ngumuya. Huwag ka din humalakhak. Be modest.” Wika ni Amanda at nag-sample siya. Nakita ko kung gaano siya ka sopistikada tingnan habang pinapakita sa akin paano ang tamang asal sa hapag kainan. Ganito talaga ang mayayaman. Kahit ang pagkain kontrolado ka. Naalala ko sa probinsya namin, nakataas pa nga ang paa. Mas masarap kapag nakakamay ka. “Don’t talk too much din. Hayaan mo na lang si Kuya Gaxton ang sumagot sa mga tanong nila kung wala kang alam. Basta don’t use ‘huh?’ at huwag kang ‘po?’ ng ‘po?’. Remember, you are there to represent as Gaxton Evergreen’s fiancee. Not everyone can have that, Emma. Kaya most of the girls will envy you. Hahanapan ka nila ng mali. So, do your best to save your self and Kuya Gaxton’s name.” Natigilan ako habang nakatingin kay Miss Amanda. Hindi agad nag-sink in sa isip ko na magpapanggap akong fiancee ni Sir Gaxton. Bigla akong kinabahan habang iniisip na kasama ko siya sa isang hapagkainan o habang naglalakad. “And don’t bend your head all the time. Face them. Act like you’re a normal person, will you?” Umirap siya sa akin habang sinasabi ito. “N-Naiintindihan ko po.” “Don’t stutter. ‘Wag ka na lang trying hard mag-english kung di mo kaya. Kuya Gaxton can handle that. All you have to do is act as a woman.” Napalunok ako. Kung si Miss Amanda ang magiging teacher mo siguradong di ka makakatulog. Nakakatakot siya. “Now, let’s fix your hair.” Dinala ako ni Miss Amanda sa kwarto niya. First time kong makapunta dito sa kwarto niya at ang ganda. Madalas sa kusina at sa halls lang ako naka-assign na maglinis. May mga kaniya-kaniya silang maids na naglilinis ng mga rooms nila at pinagu-utusan nila ng mga personal nila. Nakaupo ako sa harap ng malaking salamin habang ang dalawang maids ay nasa likod ko. Si Miss Amanda naman ay nasa bed niya naka-krus ang legs at arms habang nakatingin sa akin. “Try curling her hair, Yaya.” Utos niya sa isang maid. Sinunod naman nila agad ang iniutos ni Miss Amanda. Nakakaantok pala ito. Napapapahikab pa nga ako pero natitigilan ako kapag tinitingnan ako ng masama ni Miss Amanda. Maya-maya ay natapos sila sa buhok ko. Sa totoo lang ay hindi ako mahilig mag-ayos ng buhok. Basta nasuklayan lang. Nilagyan nila ako ng bangs at kinulot ang ibabang parte ng buhok ko na hanggang likod ang haba. Minake-upan din nila ako ng light lang. “And for the final touch, here.” Iniabot ni Miss Amanda ang isang spaghetti strapped red fitted dress na above-knee ang haba. Medyo nagdalawang isip pa ako pero wala akong nagawa dahil tingin pa lang ni Miss Amanda mapapa-oo ka na lang. Pinaharap niya ako sa full-length mirror habang siya ay nasa likuran ko. “You look human ha!” Nakangisi siya na parang proud sa gawa niya. Ngumiti ako ng tipid. “Oo nga po.” Bulong ko. “Let’s go. Everyone is waiting at the dinner table. Tita Carmill will discuss everything before your engagement.” Napalunok ako ng ilang beses habang sinusundan si Miss Amanda papunta sa dining area. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Dahil ba sa makikita nila akong nakaayos o dahil makikita ko doon si Sir Carlson at si Sir Gaxton? Nanlalamig na nga ang paa ko dahil sa kaba. Hanggang sa makarating kami sa mesa. At parang gusto ko na lang umalis at tumakbo palayo sa sandaling makitang nakatingin silang lahat sa akin. Walang nakangiti. Nakatingin lang sila sa akin. Pero kinabahan ako ng makita si Sir Carlson na nakatitig sa akin. Ang lagkit ng titig niya kaya parang naiilang ako. “Everyone, here’s Emma.” Itinuro ni Miss Amanda ang seat sa tabi ni Sir Gaxton kung saan mismong kaharap si Sir Carlson. Paupo na sana ako pero biglang inilagay ni Sir Gaxton ang kubyertos niya sa mesa na gumawa ng ingay. “I don’t like her dress. Change that!” Lahat kami ay napatingin sa kaniya. At ang tingin niya ay diretso lang kay Sir Carlson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD