“What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Miss Amanda. Mukhang na-offend ata siya sa sinabi ni Sir Gaxton.
“I said I don’t like that dress.” Tumingin siya sa akin at ini-scan ako. “Too short. She’s exposed.”
“Oh c’mon, Kuya Gax. Don’t be unreasonable.” Mukhang naiinis si Miss Amanda. Kanina kasi parang tuwang-tuwa siya sa pagpilin ng dress at sa tingin niya ay maganda ang fashion style niya.
“I’m not, Amanda. I’m not walking with a slut around any parties.”
Narinig ko ang pagsinghap ni Miss Amanda. “How—! That dress is my favorite.”
“It’s not the dress. It just doesn’t suit her.” Patuloy pa rin sa pagkomento si Sir Gaxton kaya naman ay palihim kong hinila ang laylayan ng damit para bumaba at matakpan ang legs ko.
“No worries, Couz, I got you.” Bigla namang sumingit si Sir Carlson at napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan niya at naglakad habang hinuhubad ang tuxedo na suot niya.
Lahat nakaabang lang sa susunod na gagawin ni Sir Carlson. At sa sandaling makatapat siya sa pwesto ko ay ibinalot niya sa akin ang tuxedo niya at pasimpleng bumulong. “Consider this as my apology.”
Bumalik siya sa upuan niya at nginitian ang lahat.
Napahawak na lamang ako sa tuxedo niya at napaiwas ng tingin. Nagso-sorry ba siya? Nakokonsensya ba siya dahil sa ginawa niya kagabi?
Ilang segundo ay tumikhim si Don Fred kaya ay napatingin sa kaniya ang lahat. “So, everyone, as me and Carmill told you, we need to be careful lalo na at nasa atin ang mata ng marami.” Dumapo ang tingin niya kay Sir Carlson. “Carlson, you have a lot of issues about your girlfriends. Will you please stop bringing girls over your place for the time being?” Medyo may sarkastiko sa tuno ni Don Fred.
Ngumiti lamang si Sir Carlson at sumandal sa upuan niya. Nakatanggal pa ang isang butones ng white polo niya at medyo messy ang hair.
“Well, sure.”
Nakita kong napatingin si Madam Carmill sa kaniya na parang gulat at ganun na rin si Miss Belle at ang panganay na anak ni Madam Carmill na si Miss Sarah.
“Seriously?” Namamanghang tanong ni Madam Carmill.
“Why, yes. Sa totoo nga, wala akong girlfriend for almost a month na.” Proud niya pang wika na parang nakagawa siya ng pinakamabuting bagay sa mundo.
“Woah! That’s why you’re visiting here often.” Singit ni Miss Belle.
“Well, I see. That’s good. I don’t want to see and hear chismis about you having scandals or anything. I’m so tired being the tea of every social events.” Wika ni Madam Carmill at nakangiti ng malapad. “And it’s really good to see you here often, Carlson. It’s time for you to spend time with your self and family after years of focusing on your career in showbiz industry.”
“Hmmm. I guess you’re right, Tita.” Nakangising wika niya at dumapo ang tingin sa akin. Natigilan ako at agad na umiwas ng tingin.
“Why not try to visit our company? Maybe you can handle one of our businesses alongside Gaxton.” Suggestion ni Don Fred.
Napatingin naman ako kay Sir Gaxton na ngayon ay seryoso lang sa pagkain niya. Para siyang inip na inip at naiirita. Daig niya pa ang babaeng nagme-menopause.
“If it’s okay with Gaxton to share.” Mapanuksong wika ni Sir Carlson na siyang kinatigil ni Sir Gaxton sa pagsubo.
Dumapo ang matalim niyang tingin dito. Magsasalita na sana siya pero nagsalita naman si Miss Sarah.
“I can give Carlson a tour in the company.” Sumubo siya at tiningnan si Sir Carlson. “While you’re resting from your acting career, you can come with me in the office everyday so you won’t get bored.”
“That sounds nice, Sar. But I actually love to stay here four times a week.”
Tumaas ang kilay ni Miss Sarah sa sinabi na iyon ni Sir Carlson. “So, you rejected your offers just to get bored inside your room?”
“Who said I’ll get bored?” Natatawang tanong pa nito.
“If you’re just going to bring girls, better do it in your condo. This mansion is not your playground, Carlson.”
Parang nanindig ang balahibo ko dahil sa tono ng boses ni Sir Gaxton. Tunog kuya siya o pinakamatanda sa lahat kahit na siya naman ang bunso sa kanilang magkakapatid. Though, mas matanda siya kay Sir Carlson ng isang taon.
Narinig ko ulit ang pagtawa ni Sir Carlson. “Relax, bro. I won’t bring girls. I told you, I’m not into those things na. I’m focusing on getting that one girl.”
Nakita kong humigpit ang hawak ni Sir Gaxton sa kubyertos niya.
“Wait! Am I hearing it right?” Singit ni Madam Carmill. “Are you ready to have a serious relationship, Carlson? Who’s the lucky girl?”
“Ipapakilala ko po sa inyo, maybe soon.” Wika nito.
“Hmm. That’s good, Hijo. I’m so glad you found someone to settle with. Mukhang unti-unti ng magiging normal ang lahat sa family natin. For now, let’s focus on Gaxton’s issue.” Wika ni Don Fred habang nakangiti pa at mukhang ang ganda ng mood.
“It’s been a month, oh my goodness. I thought, matatahimik na ang issue na ‘yon kapag nanahimik si Gaxton. But pictures starts circulating online. People are asking who’s that woman.” Ani Madam Carmill emphasizing ‘that’ na itinutukoy naman ako. “Our competitors are trying to use this issue para sirain ang imahe ng daddy niyo at ng kompaniya natin. They’ll ruin Gaxton if kumalat ang ganong issue the moment na mapunta na sa kaniya ang buong kompanya.”
“It’s why, Emma…” Napatingin ako kay Don Fred na nakatingin sa akin. For the first time, parang nalunok ko ang kaluluwa ko sa sobrang kaba. “We need your cooperation here. It’s just for a few weeks. This will save the entire image of the Evergreens.”
Hindi ako agad na nakapagsalita. Nagdadalawng isip kasi talaga ako dito. Hindi ko alam kung handa ba akong pumasok sa mundo ng mga mayayaman.
“O-opo. Para na rin sa kapayapaan ng lahat.”
“But this will only last for weeks, right?” Singit naman ni Miss Belle.
“Yes. After we convince the people that Emma is really Gaxton’s wife and not a mistress, we’ll plot the next move to tell them about their separation.” Paliwanag ni Madam Carmill na para bang ang simpleng bagay lang.
Pagsisinungaling ito sa mga tao para lang sabihing malinis at mabuting pamilya sila. Hindi ko rin naman sinasabing masasamang tao sila.
Ang nangyari sa amin ni Sir Gaxton ng gabing ‘yon ay kasalanan ko.
Lasing siya at wala sa sarili. Pero ako na gising na gising, ay hindi man lang nagpaawat.
Napabuntong hininga ako dahil ako din naman ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyon na ‘to. Mas malala pa siguro kung nabuntis ako. Buti na lang at hindi ako nabuntis. Pinagpapasalamat ko na lang talaga ‘yon.
“Good to hear. You know, so Emma can hear it clearly. This is just a plan and nothing is real.” Pagkaklaro ni Miss Belle.
“Of course she knows that.” Ani Madam Carmill at tiningnan ako.
“Opo. Alam ko naman. Wala po akong ibang balak pa bukod sa kung ano man ang plano.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
“Buti at alam mo. I hope you won’t do a scheme to seduce my brother, will you?”
“Belle.” Mahinang saway ni Miss Sarah sa kaniya nguni’t dinig pa rin naming lahat.
“I guess, Emma won’t do that.” Tiningnan ako ni Sir Carlson habang hawak niya ang isang baso na may red wine. “Right?” Tanong nito at tinungga ang wine bago ako nginitian ulit.
Hindi ako nagsalita. Kinakabahan ako at napapalunok na lang talaga ako dahil sa mga titig niya. Kanina niya pa ako tinitingnan ng malagkit. Siya nga talaga si Carlson Evergreen. Ang kilalang playboy sa showbiz pero walang kahit isang babae ang umaayaw.
Hinihila ko ang dress ko pababa habang naglalakad pabalik sa maid’s quarter. Nasa balikat ko pa rin ang tuxedo ni Sir Carlson pero tumataas naman ang dress habang naglalakad ako. Tama naman din si Sir Gaxton. Masyado itong revealing. Red paman din ang kulay.
Hinawakan ko ng mahigpit ang tuxedo para hindi ito mahulog pero nagulat ako ng may biglang humila sa akin at iniharap ako sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Diretso ang tingin niya sa akin. Walang emosyon o ano man. Pero mukha siyang naiirita.
“Sir Gaxton.” Bulalas ko.