Parang nawala ang dugo ko sa mukha dahil sa kaba sa sandaling magsalubong ang mata namin.
Hindi naman siya ganoon ka galit tingnan. Natural na awra na kasi ni Sir Gaxton ang walang emosyon niyang mga mata at parang iritableng ekspresyon. Para siyang may sama ng loob sa lahat ng tao.
“S-Sir Gaxton, b-bakit po?” Nauutal kong tanong habang napapatingin sa palapulsuhan kong mahigpit na hawak niya.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay bigla siyang ngumisi. Yung ngisi na parang may halong panlalait o pamamaliit.
“Sino naman ngayon ang gusto mong akitin?”
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Naramdaman ko namang parang mamumula ulit ang mukha ko sa di maipaliwanag na dahilan.
“Anong… sinasabi niyo?”
“You wore almost the same dress during that night when I’m drunk, Emma. You tried to seduce me back then, am I right? Which you successfully did?” Binitawan niya ang palapulsuhan ko at inilagay ang kamay sa bulsa niya.
“H-Hindi ‘yan totoo.” Napapailing pa ako habang inaalala ang nangyari bago pa man iyon.
“What? Are you telling me you just wore that dress accidentally? Na porke’t magsusundo ka ng lasing na amo mo sa club ay gagawin mo na ang lahat? Ha?” Muli niyang hinawakan ang braso ko kaya naman ay napangiwi ako sa sakit ng higpit ng pagkakahawak niya.
“S-Sir, nasasaktan po ako.” Iyak ko at pilit na inaalis ang hawak niya.
“You can’t fool me, Woman. And now, you’re trying to seduce, Carlson? Or what? Have you seduced him already? You had s*x with him, right?”
Biglang nanginig ang kamay ko sa kaba at inis. Nguni’t hindi ko siya magawang sampalin o hampasin. Nananaig ang takot ko na baka higit pa sa paghawak ng mahigpit ang magawa niya sa akin.
“H-Hindi ‘yan totoo.” Gusto ko siyang sipain, sampalin at sigawan pero natatakot ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaiyak.
“Tsk. Kung sabagay, you look like you’re an easy woman. If my friends could have not stopped theirselves on fvcking you, you lost your virginity a very long time ago.”
Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang paghikbi. Natatakot ako. Alam kong suplado at masungit talaga si Sir Gaxton pero ngayon ko lang naranasan na sigawan at pagsalitaan niya. Hindi ko alam na ganito pala siya magalit. Para siyang dragon.
“T-tama na.” Mahina kong tugon habang medyo humihikbi na.
“If I just know, you tried to seduce them also for them to crave on touching you, right?”
“H-Hindi…” Kumawala ang isang basag na boses dahil sa pag-iyak ko. Hindi ko alam bakit niya nasasabi sa akin ang lahat ng to. Kung galit siya naiintindihan ko. Iniisip niya ay sinamatala ko ang pagkalasing niya at inakit siya.
Pero hindi ‘yon totoo. Malinis ang konsensya ko na wala akong ginawa upang mapilitan siyang hawakan ako.
Hindi ako nagsuot ng dress na ‘yon para akitin siya. Gusto ko sabihin sa kaniya na tumawag dito sa mansiyon ang mga kaibigan niya ng gabing iyon para sabihing nagpapasundo siya at dapat ay kasama ako. Inutusan nila akong magsuot ng dress sa sandaling makarating ako doon para daw hindi malaman ng mga tao sa club na katulong ako.
Gusto ko sabihin sa kaniya na bago pa man ang gabing nangyari sa amin, ay niligtas niya ako sa mas masamang pangyayari.
Pumikit ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Muling bumalik sa ala-ala ko ang gabing ‘yon kung saan halos makipagsuntukan siya para iligtas ako sa isang m******s sa club.
Sa mga sandaling ‘yon, gumaan ang loob ko kay Sir Gaxton. Na kahit gaano pa siya kasungit at suplado tingnan, meron siyang mabuting puso.
Pero sa pagkakataong ito, nawala lahat ng ‘yon. Mali ang pagkakilala ko sa kaniya.
“Listen to me, Emma. As long as you’re pretending as my fiancee, you can’t flirt to anyone. You don’t dare make me a laughing stock, or you’ll see. ”
Puno ng pride.
Napahawak na lamang ako sa braso ko sa sandaling bitawan niya ito at tumalikod na. Wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya.
Siya lang naman kasi si Gaxton Evergreen. Walang mga babaeng nakabit sa pangalan niya. Bukod sa usap-usapang meron siyang kasintahan. Lahat kilala siya bilang isang matino at tapat na tao. Lahat ginagalang siya.
Pinunasan ko ang luha ko at dumiretso sa maid’s quarter kung saan agad akong nilapitan ni Manang Susan. Pinilit niya pa akong sabihin kung ano ang nangyari pero pinili kong manahimik.
Hindi na siguro kailangang may makaalam pa kung paano magalit ang isang Gaxton Evergreen.
“Ugh. I don’t know what’s wrong with Kuya Gax. These dresses are designer brands and they are so beautiful. That one you’re wearing last night was one of the dresses modeled by Celyn, by the way. So, I don’t get it why he doesn’t like it.” Pagmamaktol ni Miss Amanda habang namimili ng mga dresses. May mga dress sa bed niya. Meron pang mga nakasampay sa hanging rack na nasa gilid niya lang.
Ako naman ay nakatayo lamang sa gilid habang nakamasid sa kaniya.
“Is it because he don’t like the color?” Wika niya pa ulit at dumampot ng isang dress na kulay dilaw. Umiling siya sa sandaling itinapat ito sa akin tapos ay pumili ulit siya ng isa pa. “Hmm. Nooo. These dresses are too beautiful to be rejected.” Pagmamaktol niya.
“Ah, s-siguro po yung medyo hindi na lang revealing.” Suhestiyon ko. Kanina pa kasi ako tahimik at ang mga dinadampot niyang dress ay halos magkakasing iksi lang at halos mga walang sleeves talaga.
Napatingin siya sa akin tapos maya-maya ay naghanap siya sa rack ng dress. Ilang minuto pa ay nakadampot siya ng dress na kulay rose gold na dress. Bagsak ang tela neto at talaga nilang ang ganda.
“Wear this one. Sa tingin ko ito ang magugustuhan niya.”
Pinaayusan ako ni Miss Amanda sa mga katulong niya. Pinalinisan ang kuko. May pa-facial pa. Hindi lang ako umiimik at sumasama lang ako sa kaniya sa kung saan man niya ako higitin.
“Hey.”
Pareho kaming napatingin sa dumating. Si Sir Daniel.
“What’s up! Bilis mo naman ma-miss ang Tita mo.” Pang-aasar ni Miss Amanda dito. Madalas kasi talaga siya dumalaw dito sa mansiyon.
Nakaupo lang kami habang nililinisan ng mga katulong ang mga paa namin at minamasahe pa ito.
“Ako ang laging nami-miss ni Tita. Besides, it’s Emma I want to visit.”
Pareho kaming napatingin sa kaniya. Tumaas naman ang kilay ni Miss Amanda habang nakatingin sa kaniya.
“You’re joking, right?” Ani Miss Amanda at tiningnan ang mga paa niya na nililinisan ng mga katulong.
“No. I might not have the chance to talk to her again after the engagement.”
“Tumigil ka nga, Daniel. Kahit na fake ang engagement na ‘yon, you should still back off. Do you like her?”
Napatingin naman ako kay Miss Amanda. Kung makapag-usap sila ay parang wala ako sa tabi nila ah.
“What? She’s like a sister to me. A little sister.” Tumawa si Sir Daniel habang nakatingin sa akin. Umupo siya sa upuan sa tabi ko at pinat pa ang ulo ko.
Little sister?
Para akong kinilig deep inside. Simula noong pumasok akong katulong dito sa mansiyon siya lang ang kumakausap sa akin. That was two years ago. Kahit na siya lang kumakausap sa akin, kontento na ako. Ang bait niya kaya.
“Talaga lang ha!” Tiningnan naman ako ni Miss Amanda at siniko. “You. Do you like him?”
Napaturo ako sa sarili ko tapos ay napatingin kay Sir Daniel. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Naga-antay ng sagot.
“Ahh. Bakit niyo naman naitanong?” Pagiiba ko na lang.
“Nothing. If you plan on falling for Kuya Gaxton better fall for this guy. He’s single and free. Walang Celyn Gomez na tatadyak sa’yo.” Ani niya.
“Bakit naman ako magkakagusto kay Sir Gaxton?” Agad kong naibulalas habang natatawa pa ng kaonte. Pareho silang napatingin sa akin.
Medyo nakataas ang kilay ni Miss Amanda na medyo hindi makapaniwala sa akin habang si Sir Danile naman ay nakangiti ng kaunti.
Hindi ko naisip na magkakagusto sa kaniya. Maliban sa parang ang layo ng estado namin sa buhay, hindi ko ata kakayanin kung magmahal ako sa isang taong kailangan man ay hindi ako mamahalin.
Si Gaxton Evergreen ‘yon, oh. Kasintahan ng isa sa sikat na modelo sa buong bansa. Hahanap pa ba siya ng isang katulad ko?