Kung puwede lang sana umatras ay talagang gagawin ko. Hindi na ako mapakali sa loob ng sasakyan habang nasa tabi ko si Miss Amanda.
Inaayos niya ang sarili niya at maya-maya ay napapatingin naman sa phone niya.
Mukhang maga-alas otso na ng gabi at mukhang uulan pa. Mukhang mabigat kasi ang ulap at saka walang mga stars. Sana maging okay lang ang lahat. Bukod kasi sa hindi talaga ako confident sa itsura ko ay hindi ko alam kung paano humarap sa mga tao.
Nakapag-aral naman ako ng highshool pero never ako naka-attend ng mga parties ng mayayaman. Sa public school kasi ako nag-aaral at tanging JS Prom lang na ginanap pa sa basketball court ang medyo sosyal na na-attendan ko.
“Calm down, Emma. I can almost hear your breath.” Sita ni Miss Amanda sa akin at tiningnan ako.
“P-pasensya na po, Miss Amanda. Kinakabahan kasi talaga ako.”
“Don’t let them know that you’re scared. There will be medias there for sure.”
Ibig sabihin ba ay mababalita itong event na ito? Rinig ko naman kasi na isa itong party ng mga businessmen at may ilang mga celebrities na invited lalo na ang mga endorsers nila.
“Malapit na po ba tayo?” Wala sa sarili kong tanong sa driver.
“Mga sampung minuto pa, Emma.” Sagot nito sa akin.
“C’mon, Emma, stop shaking.” Hinawakan niya ang braso ko. “Look. This night is very important for Kuya Gaxton. You know how people respect him. That should not be ruined just because of that single night with you. Remember this, Emma, after this you will be free. You can go home to your family with lots of cash.”
Hindi ako nagsalita. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam saan ako pupunta pagkatapos nito. Hindi ko kasi nabanggit sa kanila na naglayas ako sa amin dahil hindi naman kami nagkakasundo ng stepmother ko.
Huminga ako ng malalim at naramdaman na medyo kumakalma naman ang sarili ko. Kapag naaalala ko kasi ang stepmother ko ay lungkot lang ang naiisip ko.
“Listen, Emma, Kuya Gax will be your fiancé for tonight. Just trust him.”
Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad sa amin ang entrance ng isang napakabonggang hotel. Halata sa disenyo na mamahalin ang hotel na ‘to. Mula sa hagdan hanggang sa glass doors.
May mga guards naman na nakabantay sa mga entrance at noong pinakita ni Miss Amanda ang isang invitation card at dire-diretso lang kami sa loob.
Ilang beses akong huminga ng malalim habang naglalakad at nakasunod kay Miss Amanda. May mga staff pa nga na bumabati sa amin at nag-offer na samahan kami sa area kung saan gaganapin ang event.
Habang nasa loob ng elevator ay napapatingin ako sa reflection ko. Nakasuot ako ng kulay blue na dress. Hapit ang mula sa beywang neto pero pagdating sa tuhod ay medyo curly na siya. May kaonting mga diamonds din sa ibabaw ng tube nito. Ang suot ko naman ay 3 inches high heels na kanina ko pa gustong tanggalin.
Napahugot na lamang ako ng hininga ng makarating kami sa Hall at bumungad ang red carpet.
“This way, Miss Cruz.” Bati ng isang babae habang naga-antay sa labas ng elevator.
Sinundan ko lang si Amanda hanggang sa papasok na kami sa naglalakihang mga pinto.
Mula dito ay matatanaw mo na ang mga tao na masayang nagkekwentuhan. May malalaming chandelier sa itaas at mga maliliit na ilaw na kung tingnan mo ay parang diamonds.
Carpeted din namam ang sahig.
“Kuya Gax’s must be talking to his colleagues.” Bulong ni Miss Amanda sa akin sa sandaling makapasok kami sa loob ng Hall.
“A-Ano pong gagawin ko?” Bulong ko rin naman pabalik.
“Just act normal. Stand straight.”
Sinunod ko ang ginawa niya. Para naman akong tuod dito na pasimpleng nililibot ang paningin habang nakatayo ng tuwid.
Nagagandahan din naman ang mga dress nila. Ang mamahalin din tingnan ng mga tuxedo nila. Halatang mga mayayaman kung kumilos at tumawa.
“Good evening, Ladies and Gentlemen.”
Pareho kaming napatingin ni Miss Amanda sa nagsalita sa stage. Isang babae na naka-red dress ang nandoon. Siya ata ang host ng event na ito.
“I hope you are enjoying the drinks and food we prepare while we’re waiting for our guests.”
Nakatitig lang ako sa kaniya dahil wala naman akong ibang matingnan. Maganda siya at parang wala man lang sa kaniya ang magsalita sa taas ng stage.
“I saw Mr. Gabriel Dickinson around awhile ago. Oh, there.” Nakangiting turo niya at napatingin ang lahat sa isang binata na nasa isang table na round habang may hawak na glass. Itinaas niya naman ang glass niya na parang nagsasabing-‘hi’.
Mukha din siyang super yaman. Nakatayo lang siya doon kasama ang iilan pang mga kalalakihan na halos nasa edad niya lang.
“Amanda, darling.”
Napalingon kami ni Miss Amanda sa dumating. Isang babaeng nasa mga 50s na ang lumapit at yumakap sa kaniya.
“Oh, Hi, Mrs. Hilario. How are you?” Tanong na pabalik ni Miss Amanda at nagbeso-beso sila.
“I’m doing good as ever, Hija. How about you? I heard you’ve graduated your medical studies na ha? How’s our doctor?”
“Yeah.” Natawa pa ng bahagya si Miss Amanda.
“I’m sure your mom is so proud of you.”
“She surely is.” Natatawang sagot ni Miss Amanda at medyo lumapit pa sa babae. “The truth is, she’s so eager to convince me to go abroad to live there for good and work at her hospital.” Bulong neto.
“That would be so nice, Hija. You’ll have a great future there.”
“I guess so. But I am still thinking about it.” Nagkibit-balikat siya na parang ayaw niya sa oppurtunidad na iyon.
Napaiwas na lamang ako dahil parang naipapamukha lang sa akin na wala man lang ako naabot sa buhay bukod sa gumraduate ng High school.
“Who’s this girl, by the way?”
Napalingon ulit ako sa babae at sa sandaling mapatingin ako sa kaniya ay medyo napatakip siya sa bibig niya.
“Uh, she’s—”
“She’s that girl.” Pagputol nito kay Miss Amanda habang nakatitig pa rin sa akin. “She really is that girl. That one with Gaxton…”
Napahinto siya sa pagsasalita dahil narinig namin ang pangalan ni Sir Gaxton mula sa emcee na kanina pa binabati at mine-mention ang pangalan ng mga kilalang personalidad at mayayaman sa lipunan.
“And of course, this night will never be the best night if we don’t have Governor Fred Evergreen here with us.” Wika niya.
Napalingon kami at nakita namin sa gitnang bahagi si Don Fred kasama si Madam Carmill. Pinapalibutan sila ng mga kaibigan nila.
“And if I mention Fred Evergreen, who would not assume the presence of his unico hijo and one of the most successful bachelor in the whole country, Mr. Gaxton Evergreen.”
Nagkaroon ng mahinang pagsinghap mula sa isang kumpulan ng mga kababaihan sa gilid. May pumalakpak din naman ng bahagya.
Napatingin ako kay Sir Gaxton. Hindi siya mukhang nakakatakot ngayon pero hindi naman siya nakangiti.
Napahawak ako ng mahigpit sa bitbit kong maliit na bag habang nakatitig sa kaniya. Kahit yung mga babaeng magaganda at halatang pwede namang makahanap ng gwapo o habulin din naman ay talagang parang gusto siyang nakawan at iuwi.
“But before we proceed sa ating program, we would just like to invite Mr. Gaxton Evergreen here on stage.“ Ngumiti ng malapad ang babae. “Here, Mr. Evergreen. We just don’t let this pass, eh. We’ve heard a very special news about this man’s lovelife.”
Medyo umingay naman ang ilan and mostly ay mga babae ang nagbulungan.
“So, Mr. Evergreen, after years of keeping it a secret, you’re finally here to announce your love for this very lucky girl.”
Nakita kong bahagyang tumawa si Sir Gaxton. Hindi naman iyon masyadong totoong tawa pero nakakapanibago pa din.
“Well, it’s been years. All the spiculations before about me having a fiancee is true.” Pasimula niya. Bigla namang nag-aww ang ibang mga babae. “I’ve always wanted announce it to the whole world but she wishes to keep it private. But now, as all of you have heard, I guess there’s no need to hide anything. Tonight, to clear everything up about the gossips and theories about this issue, I wholeheartedly and proudly introduce to all of you the woman of my life” Dumapo ang tingin niya sa akin.
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makikita niya ako agad kahit na medyo marami ang tao. Napalunok ako at tinitigan siya.
“My fiancee, and future Mrs. Evergreen, Emma Del Fuente.”
Napako ako sa kinatatayuan ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko sabay ng pagtutok ng spotlight sa akin. Para akong na-mental block.
Ano ang gagawin ko?