Parang akong nabingi at napako lamang ang mga tingin ko kay Sir Gaxton na nasa ibabaw ng intamblado.
Sa mga sandaling ito ang alam ko lang ay para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya. Puna ng lambot at pagmamahal.
Marahan akong napasinghap dahil sa na-realize ko. Hindi sa akin nakadapo ang tingin niya kundi doon sa gawing likuran ko.
Bahagya akong lumingon upang makita kung sino ang nasa likod ko at tinititigan niya at agad kong napagtanto.
Isang dipa lang ang layo sa akin ay tanaw ko ang lungkot sa mga mata ni Miss Celyn Gomez. Minsan ko siyang nakita sa selpon ni Manang Susan noong sinasabi niya sa akin kung sino ang fiancee ni Sir Gaxton.
Ang pagkakaalam ko ay lihim lang ang kanilang relasyon dahil ito ang gusto ng dalaga. Hindi ko lang alam kung ano ang dahilan basta’t isa siyang sikat na modelo at mino-model niya rin ang mga alahas na negosyo ng mga Evergreen.
Napaiwas ako ng tingin at napahawak sa dibdib ko. Isang tuniladang guilt ang naramdaman ko. Malungkot ang mga mata ni Miss Celyn na yung tipong wala siyang magagawa sa sitwasyon.
Dumapo muli ang tingin ko kay Sir Gaxton. Si na katulad ng kanina, ang lambot ng awra niya. Para siyang isang maamong aso na tila sabik na makarga ng amo niya.
“Emma, go.”
Napatingin ako kay Miss Amanda na bumubulong sa akin. Nakita kong sumisenyas siya na umakyat ako papunta sa taas ng stage.
Nagdalawang isip pa ako at gusto kong tumakbo. Hindi. Gusto kong puntahan si Miss Celyn at sabihin sa lahat na siya ang totoong fiancee pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka mas lalo itong ikagulo ng sitwasyon.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa stage. Inalala ko ang tinuro ni Miss Amanda at straight lang akong naglalakad. Pinakita ko ang isang tipid na ngisi hanggang sa makarating ako sa taas ng stage.
Napatingin ako sa palad ni Sir Gaxton na nakalahad sa akin. Muli ko siyang dinapuan ng tingin at hindi na ‘yon kagaya ng kanina. Hindi naman siya mukhang galit pero nawala na ang lambot sa mga tingin niya.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya at napasinghap pa ako ng bahagya dahil bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko
“Oh, so this is the lucky girl.” Wika ng emcee na may panunukso.
“She’s a bit shy.” Pahayag ni Sir Gaxton ay ngitian ako. Bahagya na lang din akong ngumiti sa mga tao upang sabayan ang pag-arte niya.
“Yeah. She’s so demure but she really is beautiful, Mr. Evergreen.”
Ilang saglit lang ay inalalayan na rin ako ni Sir Gaxton pababa ng stage. May mga kakilala pa nga na sumalubong sa amin sa baba at binati si Sir Gaxton.
“Ms. Del Fuente, I know Mr. Gaxton would not only be the prize. He surelly got a prize himself!” Ani isang lalaki habang nasa braso niya ang kaniyang asawa naman.
Binigyan ko lamang siya ng mahinang halakhak. Ganito ba sila mag-compliment? Sugar coated na sugar coated at parang binobola ka na lang?
“Naku, Mr. Evergreen. Sobrang excited na kami para sa wedding mo. Of all the bachelors in our country, isa ka sa inaabangan kelan maga-asawa.” Sabat ng babae.
“It would probably be sooner.” Ani Sir Gaxton at mas lalo akong hinila palapit sa kaniya.
Ngumiti lang din ako at pilit na tumawa ng mahina. Hindi ko alam paano makipag-usap. Sobrang hirap pala makipagbolahan.
Maya-maya ay naglalakad na ulit kami ni Sir Gaxton papunta na sa isang mesa. Nalagpasan namin ang mesa kung saan nakaupo sila Madam Carmill na pasimple lang napatingin sa akin.
Nagpapadala lamang ako kay Sir Gaxton hanggang sa mapahinto siya bigla. Napatingin ako sa kaniya sunod ay napatingin ako sa kung saan siya nakatingin.
Nakita ko si Miss Celyn na nasa isang round table. Nakatayo siya kasama ang isang binata. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang unang binati ng emcee kanina. Sa pagkakatanda ko, Gabriel Dickinson ang kaniyang pangalan.
Magsasalita na sana ako nguni’t di pa man bumubuka ang bibig ko ay hinila na ako ni Sir Gaxton papunta sa direksyon nila.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ano ang mukhang ihaharap ko kay Miss Celyn. Paano kung magalit siya sakin? Hindi ko alam paano ang pagpapaliwanag na gagawin ko.
Bago pa man ako kumalma ay nandito na kami sa harap nilang dalawa. Napatingin lang sila sa amin at parang nagtataka pa.
Naramdaman kong marahas na binitawan ni Sir Gaxton ang braso ko at pumwesto sa kung saan magkatabi sila ni Miss Celyn.
Dumampot siya ng isang glass sa dala-dalang tray ng isang waiter.
“It looks like you’re enjoying your company here.” Ani Sir Gaxton at lumagok sa baso na hawak niya.
“Here, Ms. Del Fuente.”
Napatingin ako ka sa binatang katabi ko na nag-abot ng isang baso din naman. Hindi ko napansin na kumuha din pala siya ng baso mula sa tray.
“Ah, thank you.” Mahina kong tugon at saka tinanggap ang isang babasagin na may alak. Mamahaling alak. Pero hindi kasi ako umiinom. Tinanggap ko lang out of pakikisama at isa pa hindi nila pwede isiping hindi ako sanay sa mga ganitong inumin.
“You can decline if you don’t like it.” Narinig kong bulong niya sa gilid ko.
“No. Okay lang po— I mean, okay lang.” Ani ko at napalunok. Kailangan ko bang uminom ngayon para mapatunayan sa kaniya?
Pero nilapag ko na lang ang baso dahil naisipan kong maya-maya na lang.
“I’m Gabriel, anyway. Gabriel Dickinson.” Pakilala niya at inabot ang isang kamay sa akin.
Bahagya akong napatingin kay Sir Gaxton. Naalala ko na sabi niya, wag akong makipaglandian sa kung sinoman habang nagpapanggap kami. Kahit na hindi naman masama ang intensyon nito ay iniisip ko lang baka maging aberya.
Pero natigilan ako dahil halos mawala na ako sa mundo niya. Nakatuon lang ang tingin niya kay Miss Celyn na pilit umiiwas.
Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti. “Emma.” Ani ko.
“Yeah, I know.” Wika niya pa at nginitian ako ng malapad. Napatingin ako sa kaniya ng nagtataka. Napansin niya sigurong nagulat ako sa naging reaksyon ko kaya naman ay tumawa siya ng bahagya. “We’ve met before.”
“Talaga?” Wika ko at tinitigan siya. Hindi ko maalala na may kakilala akong ganito ka gwapo at kayaman.
“I’ve been to the Evergreen’s mansion.”
Matangkad. Maputi. Blonde. Kulay asul ang mata at maamong mukha. Parang naaninag ko na nga. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga kaibigan ni Sir Gaxton na pumunta noon sa mansiyon.
At ang nag-utos para magsuot ako ng ganoong dress sa club noong gabing ‘yon.
“E-Excuse me.” Agad akong umiwas ng tingin at tumalikod na sa kaniya. Hindi ko na inantay na um-oo si Sir Gaxton dahil mukhang abala naman siya sa Girlfriend niya.
Diretso lang ako sa paglalakad. Ewan ko ba. Nahihiya ako. Alam niyang isa akong katulong ng mga Evergreen. At alam niya ang nangyari noong gabing ‘yon. Kung tutuusin kasalanan nila kung bakit nangyari ang lahat ng ‘yon.
“Excuse me. Nasaan po ang banyo?” Tanong ko sa isang staff na nakatayo sa isang gilid.
“Diretso lang po kayo at liko sa kaliwa. Nandoon po ang c.r.”
“Thank you.” Agad kong sinunod ang tinuro niyang direksyon at sa sandaling makapasok sa c.r ay agad akong huminga ng malalim. Humarap ako sa salamin at napapikit.
Para akong nakahawla kapag nandoon ako sa loob ng Hall. Kailangan kong i-maintain ang posture at kailangan nakangiti. Dagdagan pa ng puro pagpapanggap lang naman ang lahat ng ‘to.
Isa pa na nakausap ko ang kaibigan ni Sir Gaxton. Nandoon sila noong gabing ‘yon.
Nasaksihan nila kung paano ako bastusin ng isang costumer doon, pero wala silang ginawa.
Kumalma ka, Emma. Matatapos din ang lahat ng ‘to at pag natapos na ito, hindi mo na makikita silang lahat.
Lumabas na ako sa c.r at muntik na sana akong pumasok ulit dahil nakita ko siyang nakaabang sa labas. Mabilis lang talaga ang reflexes niya dahil agad niyang nahila ang door knob ng pinto para mapigilan ako sa pagpasok.
“A-Anong kailangan mo?” Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad para makalayo sa kaniya pero hinila niya ako.
Tiningnan ko pa siya ng masama dahil hinila niya ako papunta sa isang emergency exit.
“Teka lang— Anong kailangan mo sakin?” Parang kinakabahan na ako dahil pinipigilan niya talaga ang pinto na mabuksan.
“Calm down, Emma.”
“Calm down?” First time ko sa buong buhay ko na mag-hysterical ng ganito. Parang pakiramdam ko makulong lang sa isang espasyo kasama ang lalaking ito ay ikapapahamak ng buhay ko.
“I just want to apologize.”
Napahinto ako sa paghila ng door knob at napatingin sa kaniya.