09

1498 Words
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa door knob at tiningnan siya ng nagtataka. “Look, I’m sorry.” Wika niyang muli at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. “I’m really sorry about what happened that night at the club.” Saglit ko siyang tiningnan at muli kong sinubukang alisin ang kamay niyang pumipigil sa door knob. Ang lakas niya at parang walang epek ang effort na ginagawa ko para mapabitaw siya. “Listen to me. I was drunk that night. I’m influenced na rin ng kakulitan ni Vince. But it’s nothing serious. We were just having fun back then—“ “Nothing serious?” Hindi ko na siya pinatuloy at tiningnan ng masama. Hindi ko din alam pero sa kanilang lahat, dito lang ako sa kaniya hindi natatakot magsalita. Mukha naman kasing sincer siya sa paghingi ng sorry. Sadyang naiinis lang ako dahil sa ginawa nila noon. “Kung para po sa inyo ay wala lang ‘yon, pero napakamalaking bagay na sa akin ‘yon.” “That’s why I’m apologizing.” Diin niya. “I know we’ve made you upset so bad. I wanted to apologize for that but I wasn’t able to visit the Evergreen’s after what happened. Gaxton flew to america and there’s no other reason for me to visit their mansion without telling them what happened at the club.” “So ayaw mong malaman nila? Nagmamalinis kayo at nanahimik pagkatapos.” Napayuko ako sinubukang pigilan ang luha ko. Hindi niya alam kung paanong panlalait ang natanggap ko mula sa pamilya nila. Walang nakakaalam na dahil sa kanila kaya ako ang sumama upang sunduin si Sir Gaxton. “Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Bakit kailangan niyo pang sirain ang simpleng buhay ko?” “Look, I’m sorry. I don’t usually play with girls emotion kahit ano man ang estado nila sa buhay. That’s why I’m suffering from guilt.” Tiningnan ko siyang ng diretso. Wala na. Nangyari na ang lahat. Nandito na rin naman ako. Huminga ako ng malalim. Mukha siyang totoo sa paghingi ng tawad pero naalala ko ang sinabi ni Sir Gaxton sa akin noong nakaraang gabi. Kahit kailan hindi ko inakit ang isa sa mga kaibigan niya. Kung hindi ko nga lang pinilit na maalala ay hindi ko maalala na minsan pa lang dumalaw sa mansiyon ang lalaking ito. “Palabasin mo na ako.” “I will. Just let me hear you forgive me.” “Ano pa bang magagawa ng sorry mo?” Mahina kong tanong habang nakaiwas ng tingin. “I’ll tell Gax everything. We haven’t told him anything since then. That’s why he’s so mad at you. He thought you just tried to seduced him to climbed to the ladder.” Kaya ba kung makatitig sa akin si Sir Gaxton ay ganon na lang? Kung maka-reject siya kahit paano pa ako ayusan ni Miss Amanda? Naalala ko ang dress na suot ni Miss Celyn. Kung tutuusin, mas revealing pa ang suot niya kanina kesa sa sinuot ko nong last week during dinner. Pero kung makatingin siya kay Miss Celyn, parang siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. “Hindi na kailangan.” Napatingin siya sa akin ng nagtataka. “What?” “Hindi na kailangan malaman niya ang totoo. Kahit naman pagbaliktarin pa ang mundo, nangyari na ang nangyari. Ano pa bang silbi para malaman niya ang totoo?” “So, you won’t forgive me?” “Mr. Dickinson, kaya kong kalimutan ang lahat. Pagkatapos ng lahat ng ito. Pagkatapos na pagbayaran ko ang pagkakamaling ito, makakalimutan ko din naman yung ginawa niyo.” Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Siya naman maya-maya ay huminga ng malalim at binuksan ang pinto. Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako. Hindi na rin ako nagsalita pa at pumasok na muli sa loob. Diretso akong naglakad hanggang sa papasok ng Hall. Hindi na nagsasalita ang emcee sa stage at kaniya-kaniya nang nage-enjoy ang mga tao sa kanilang pakikipag-usap. Nilibot ko ang tingin ko pero hindi ko mahanap si Miss Amanda. Pumunta na lamang ako sa isang buffet table kung saan may mga pastries. Iba’t-ibang klase ng mga tinapay. Kakaiba pa ang pangalan na nakasulat. Halatang yayamanin. Kumuha ako ng isang maliit na babasaging plato at dumampot ng tinapay na parang gusto ng mata ko. Hindi ko ganoon ka hilig sa tinapay pero susubukan ko ang mga ito. “You’re such a piggy.” Napatingin ako kay Sir Carlson na biglang sumulpot sa gilid ko. “Na-gugutom lang po ako.” Wika ko at tumigil sa pagdampot. “You don’t have to be so polite.” Bulong niya at bahagya pang lumapit sa akin sakto para maramdaman ko ang hininga niya at parang lumalapat sa akin ang braso niya. “S-Sir Carlson, ayaw ko po ng gulo.” Kinakabahan ako na baka ay kung ano ang isipin ng mga nakakakita na ang pinsan ng fiancé ko ay kasama ko. “What gulo?” Tumawa siya at umusog ng kaonte palayo sa akin. “I’m just trying to have a conversation with my future cousin-In-Law?” Natatawang wika niya. Saglit akong napatitig sa kaniya pero agad akong umiwas. Sumubo na lang ako ng isang tinapay na maliit na parang may strawberry jam sa itaas. Masarap din pala ito. Sunod ay dumampot ako ng isang pandesal. Mukhang nagutom ako bigla. Dahil ito sa stress ko kay Sir Gabriel Dickinson. “Here. Try these.” Ani Sir Carlson at inilagay sa plato ko ang dalawang maliliit na parang butterscotch. Tiningnan ko lang siya at muli kong nilagay ang mga ‘yon sa kinuhanan niya. “Hindi ako kumakain ng ganon.” Wika ko. “Oh, really? Ang pihikan mo pala talaga.” Napahinto ako dahil mukhang may nais na naman iparating ang mga salita niya. Hindi ko na lang sana iyon papansinin nguni’t nakarinig ako ng isang click mula sa isang camera. Pareho kaming napalingon ni Sir Carlson sa isang cameraman. Sunod-sunod ay may mga ibang camera na pumalibot sa amin dahilan para ma-tense ako. Hawak-hawak ko pa ang platito kaya agad ko itong inilapag. Parang kanina lang ay doon sila nagkakumpulan sa isang gilid kung saan isa sa mga ine-interview nila ay si Don Fred. Ngayon nakapalibot na sila sa amin ni Sir Carlson. “It’s very rare to see the one and only Carlson Evergreen here.” Ani ng isang babaeng parang reporter. May dala siyang selpon na parang ginagawang recorder or microphone. “Uh, yeah.” Sagot niya lang at para akong tuod na hindi alam kung ano ang gagawin. Patuloy pa rin ang pagkuha nila ng mga litrato. “So, is this because of the sudden announcement ng engagement ng cousin mo na si Mr. Gaxton Evergreen?” Tanong nito at napatingin sa akin. “And you two look so close, right here.” Nagkatinginan kami. Ako ay muntik nang mapailing pero siya naman ay simpleng tumawa lang at bahagyang umabante para medyo matakpan ako. “We can say it like that. You know, I’ve been away from shobiz and doing projects for almost two months now to spend time with my family. Emma became close to me ever since my cousin introduce her to our family. She’s like a family to me now. So, that’s why.” “Oh. The people been asking din what’s the status of your lovelife. Ano ba ang masasabi mo ngayon, usap-usapan sa mga social media na parang nagsawa ka na raw sa paggi-girlfriend at wala ka nang pinapakilala on national tv. Or baka naman daw meron na at inaantay lang ang tamang panahon para ipakilala.” “You know, I heard about that frequently asked questions about me but tonight is not an appropriate time to answer those queries. I’m looking forward on meeting my family’s close friends in business.” “Ah yeah yeah. We understand Carlson.” Iilang tanong pa ang binato ng reporter saka nito napgdesisyonan na umalis na mula noong pinapaalis na sila ng mga guards sa pagkakakumpulan. “Are you okay?” Mahinang tanong ni Sir Carlson sa akin kaya naman ay napatango lang ako. “I’m sorry about that. I overlooked the media. Kakarating ko lang din and I am so focus on finding you here—” naputol ang sinasabi niya dahil biglang sumulpot si Sir Gaxton sa gilid ko. Parang may kumalabog sa dibdib ko dahil parang naiinis siya. Napahawak ako ng mahigpit sa baso ng juice na ngayon ay nasa kamay ko. “Oh, Cousin.” Ani Sir Carlson na parang di alintana ang awra ng pinsan niya. “The night’s just about to begin, Carlson. What are you trying to do?” Madiin niyang tanong pilit na binababa ang boses. “What? I’m just trying to have a snack with…” Dumapo ang tingin niya sa akin sunod ay ngumisi siya. “… with Emma.” Naramdaman kong lalong nainis si Sir Gaxton kaya naman ay bigla niyang hinablot ang braso ko at hinila papalayo. “Behave, Woman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD