Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Rowena. Nagbaba siya ng tingin sa baon at impit na namang tumili. Bakit ba ang gwapo ni Estong? At bakit naisipan nitong dalawin siya sa klasrom niya? Nakagat niya ang ibabang labi. Napaisip siya kung tapos na ba itong kumain ng tanghalian. Napatitig siya sa baon at napapikti ng mariin. Sana pala nagbaon siya ng dalawa! Pero malay ba niyang magpapakita si Estong sa kaniya? Hindi siya nakatiis. Tinakpan niya muna ang baon bago tumayo at humakbang palabas ng klasrom. Luminga siya sa magkabilang hallway pero hindi niya nakita si Estong. Pero nang mapatingin siya sa harap ay natigilan siya. Kitang-kita niya mula sa kinatatayuan sina Estong at Jowee. Magkasama ang dalawa sa lilim ng malaking puno sa tapat ng gusali na kinatatayuan ng klasrom niya. N

