"Anong ginagawa mo kay Jowee, brad?" tanong ng senior. Bahagya niyang nilingon sa balikat si Jowee at nakita niyang nakatayo pa ito sa likuran niya. Nangunot ang noo ni Estong. "Pumasok ka na sa loob, Jowee." Umiling ito at masamang tumingin sa lalaking kaharap ni Estong. "You again? Hindi ba sinabi ko na sa inyong hindi ako sasama? Why so hardheaded?" Sasama? Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Estong. Tiningnan niya ang lalaking senior. Mas matangkad ito ng ilang dangkal sa kaniya. Malinis ang uniporme. Maganda ang pagkakaayos ng buhok sa gilid. May suot itong salamin at may nakakalokong ngiting naglalaro sa mga labi. Isang tipikal na ayos ng mga miyembro ng Malvic. Hindi niya maiwasang mag-alala. Alam niyang may kaya ang lalaking kaharap at wala siyang laban kung pera ang magig

