Tumatakbo ang oras nang mabilis pa kaysa sa hangin. Wala siyang kakayahang patigilin ang oras. Ngunit habang tinititigan niya si Jowee ay para bang bumagal ang takbo niyon. Nahigit niya ang hininga. Bumilis ang kabog ng dibdib niya. May kakaibang paghangang sumibol sa kaniya. At hindi niya alam kung ano ang damdaming pilit na nananahan sa kaibuturan ng puso niya. "Jowee," bulong niya sa pangalan ng babae. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at ngumiti. Mas gumulo ang sistema niya, at hindi niya halos mahabol ang bilis ng pintig ng puso. "You're here," sabi nito at luminga sa paligid. "You don't have class?" Umiling siya. "Katatapos lang." Marahan siyang ngumiti sa babae. "May bibilhin ka ba?" "Uh, sort of." Iginiya niya ito sa lilim ng isang malaking puno ng narra sa harap ng school

