"Malapit nang alas-siyete," putol ni Estong sa iniisip niya. Napatingala siya sa kalangitan. Tuluyan na ngang sumikat ang araw sa silangan at may iilang ibon umaawit sa malayo. Rinig din niya nag ingay ng mga kulisap sa mga punong nakapalibot. Malapit nang alas-siyete at buti nalang ay nakatawid na sila sa mahaba-habang palayan. Ngayon ay malapit na sila sa gate ng SRNHS. "I see. Didiretso na ako sa line-up if ever nagla-line na sila para sa flag ceremony," paalam ni Jowee. "Kung wala pang linya ay ihahatid na lang kita sa klasrom mo," alok ni Estong. Tumaas na naman ang kilay ni Rowena sa alok ni Estong. Aba nga naman, kapag maganda ay ihahatid sa klasrom? Gano'n ba? Sumimangot siya. Ni hindi pa kusang nag-alok si Estong na ihahatid siya sa klasrom niya. Naningkit ang mga mata niya h

