Nakasimangot siyang pumihit pero hinawakan ni Alkan ang braso niya. "Sandali," pigil nito. Kunot-noo niya itong binalingan pero nagulat nalang siya nang hinubad nito ang suot na dyaket at pinulupot ang manggas niyon sa baywang niya. "May tagos ka, Miss." Napakurap na naman siya sa sinabi nito. Pero nang marinig ang impit na tawa ng kagrupo kuno nito ay sinamaan niya ng tingin si Alkan. "Wala akong dalaw," matigas niyang tanggi. Baka dumugo na naman ang sugat niya sa puwet. Kasi naman, ang init ng ulo niya kanina kaya padabog siyang naupo sa upuan. Ngayon lang siguro bumakat ang mantsa. Pero wala namang sinabi ang mga kaklase niya kanina, a? "Ok. Sabi mo. Pero hayaan mo nalang 'tong jacket ko. Labhan mo kung gusto mong isauli bukas." Tumaas ang kilay niya. "Ano?" "Miss." Ngumisi si A

