Kabanata 14.1: Kamiseta

1075 Words

Araw ng linggo. Ito ang araw ng napagkasunduan nila ni Estong. Malaki ang ngiti ni Rowena habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng buhok. Masaya siya. Masayang-masaya dahil inaya siyang mamasyal ni Estong kasama si Manang Nena. Gusto niya sanang masolo si Estong sa araw na 'yon, pero ayos na rin na kasama nila si Manang Nena. Sa gayon ay makakapagpakitang-gilas siya sa ina ng kababata. "O, ano na namang mukha 'yan?" tanong ng kuya niya. Lumabas ito mula sa kusina. May hawak itong tasa ng mainit na tubig na paminsan-minsan nitong hinihigop. Nagkibit-balikat siya. "Anong pakialam mo, Kuya?" "Sumasagot ka na ngayon?" Ngumuso siya. "May lakad kami ni Estong." "Magdi-date kayo?" "Kuya!" Ngumisi ang kuya niya. "Sabihin mo, punta muna siya sa sabungan bago ko kayo payagang mag-date.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD