Naghintay siya ng ilang minuto sa sala bago lumabas sa pintong pinanggalingan si Estong. May tuwalya sa balikat nito at hula niya ay maliligo na ito sa puso sa likod-bahay. "Wena," gulat nitong sambit nang makita siyang tuod na nakatayo sa kawayang upuan. "Maaga ka ngayon." Ngumiti si Estong. "Ah..." Nag-iwas siya ng tingin at hilaw na ngumiti. "Alas-sais na pero tulog ka pa." Natawa nang bahagya ang lalaki. "Sinusulit ko lang ang linggo." Humakbang ito palapit sa pinto palabas ng bahay. "Hintayin mo ako riyan. Maliligo lang ako sa labas." "S-Sige lang." Sumulyap saglit si Estong sa kaniya bago tuluyang lumabas ng bahay. Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Hindi na talaga umaayos ang sistema kapag nasa paligid lang si Estong. Nagugulo ang lahat-lahat ng kaniya. Bumuntong-hinga siy

