Nagbaba siya ng tingin. Nasa unahan niya sina Estong at Aling Nena. Kahit gustuhin niyang sumabay sa dalawa, pero maliit lang ang gilid ng kalsada at baka madisgrasya pa sila. Kaya siya na mismo ang umatras at pinauna ang mag-ina. Tahimik lang siyang sumusunod sa mga ito. Tiningala niya ang araw at tumama ang sinag niyon sa mga mata niya. Agad siyang nagbaba ng tingin pero napantig ang tainga niya nang magtanong si Estong sa kaniya. "Ayos ka lang diyan, Wena?" Bahagya siya nitong nilingon. Ngumiti siya at tumango. "Ayos na ayos pa naman." "Sigurado ka?" Naningkit pa ang mga mata nito na parang naninigurado. Lumapad ang ngiti sa mga labi niya at tumango na naman. "Oo naman." Kumurap si Estong at kunot-noong muling tumingin sa harap. Nagtaka naman siya sa inasta nito. Bakit parang nap

