May isang hiling siyang gustong matupad. 'Yon ay sana huminto ang oras habang buhat-buhat siya ni Estong. Sa hapon na 'yon lang siya nakaramdam ng panibugho sa mabilis na takbo ng oras. "Ibaba mo nga ako," sabi niya. Gusto niyang maging masungit ang tunog ng sinabi niya pero mukhang hindi natupad ang kagustuhan niya. Napansin niya ang marahang pagkurba ng isang ngiti sa mga labi ni Estong. "Kaya mo bang maglakad?" tanong nito. Napanguso siya. Hindi dahil sa tanong ni Estong kung hindi sa katotohanang kanina pa nagrurumentado ang puso niya. Pinipilit niyang hindi ipahalata sa lalaki na halos hindi na niya mahabol ang pintig ng puso sa bilis nito. "Problema mo ba kung hindi ako makakalakad? Kung gusto mo, mauna ka na ro'n sa bahay mo," masungit niyang tugon. Narinig niya ang halakhak n

