Ilang segundo silang nagkatitigan. Maya-maya pa'y natawa si Estong at napailing. "Kailan pa dinalaw ang mga lalaki, Wena?" Nagusot ang mukha niya sa tanong nito at nag-iwas ng tingin. "E, ba't ka humihingi ng tampon? Wala ka namang ano sa babae. Isa pa, hindi mo naman siguro balak ilapat 'yan sa kili-kili mo?" Pagkakataon naman 'yon para magusot nang husto ang mukha ni Estong. "Ikaw ang gagamit niyan. May dalaw ka, hindi mo man lang alam." "Ha?" Napatingin siya sa puwetan. Pero masyadong madilim kaya hindi niya naaninag nang husto. "Anong dalaw? Wala ako ngayon!" "May dugo sa saya mo," sabi ni Estong. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Rowena. Hindi niya makita ang sinasabi nito. "Pinagloloko mo lang ako, eh." "Di mo makita?" "Hindi." Humalukipkip si Estong saka ininguso ang p

