Totoo nga ang hinala niya. Wala siyang dalaw sa gabing 'yon, at ang dugo sa saya niya ay dahil sa sugat na nasa pisngi ng pang-upo niya. Malalim ang sugat at suspetsa niyang nakuha niya 'yon sa pagbagsak niya sa mabatong daan kanina. Bumuntong-hinga siya. Paano nalang ang klase niya bukas? Hindi naman siya pwedeng lumiban dahil tiyak niyang kakaladkarin siya ng ina papunta sa paaralan sa oras na makikita siya nitong nakatunganga lang sa bahay. Si Estong naman kasi. Ngumuso siya. Masyadong manhid at hindi nag-iisip. "Rowena, 'di ka pa rin ba tapos?" boses ng kuya niya. Isa pang pasaway sa buhay niya. Palagi nalang itong nagiging kontra sa mga ginagawa niya. "Hindi pa!" "Sasabog na pantog ko, o!" "Maghintay ka, Kuya!" inis niyang sambit. Mabilis siyang nagbanlaw at nagsabon pero sige

