Umasim ang mukha niya sa sagot ni Estong. "Anong sabi mo?" Nakita niya kung paano humalakhak ang kababata. At makailang beses niyang nahigit ang hininga habang nakatitig sa lalaki. Talagang maganda ang lahi ni Estong. Sobrang gwapo nito sa malayo at malapitan. At nakakadagdag sa pagiging pogi nito ang matamis na ngiti. "Biro lang." Umikhim si Estong. "Pero totoo namang magagalit ka, hindi ba?" Tinuro niya ang sariling mukha at ginusot 'yon. "Sa tingin mo, masaya ang mukhang 'to?" "Hindi." "Yon naman pala, e!" Lumunok siya at huminga nang malalim. "T-Tara na nga! Mali-late ako dahil sa 'yo!" Natatawang tumango si Estong. Hinigit siya nito at inakbayan. Nanlaki ang mga mata ni Rowena. "Anong ginagawa mo?" pigil-hinga niyang tanong. "Inaakbayan ka." "Alam ko --" Umikhim siya at pinil

