Kabanata 8.2: Tulak ng Bibig

1198 Words

"Salamat, Maam." Tinanggap niya ang inabot nitong bente pesos saka tumayo. "Uwi na po kami." Tumingin siya palampas sa guro, at nahagip ng paningin niya ang principal na kasalukuyang may binabasang laman ng isang folder. "Sir, uwi na kami," paalam niya. Nag-angat ng tingin ang principal at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Pakainin mo 'yang kaibigan mo. Mahirap nang mahimatay na naman dahil nalipasan ng gutom." "Tatandaan ko po 'yan. Salamat, Sir." Ngumiti siya sa guro saka inalayan si Rowena na tumayo nang tuwid. Mabilis nitong binawi ang kamay mula sa hawak niya. "Kaya ko na," asik nito. Kinuha nito ang sariling backpack sa mesa, sinukbit sa likod, at nagpaalam saglit sa guro at principal bago siya nito nilampasan. Nagkibit-balikat si Estong. Naintindihan niya ang inis nito sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD