Kabanata 8.1: Tulak ng Bibig

1066 Words

Dinala ng ihip ng hangin ang ilang tuyong dahon paitaas. Tahimik na binabagtas ni Estong ang daan patungo sa opisina ng punong-guro. Gusto niyang ihatid si Jowee sa bahay nito pero hindi niya pwedeng pabayaan ang nahimatay niyang kababata. Bumuntong-hinga siya at nagbaba ng tingin kay Rowena. Nakapikit ang babaeng buhat-buhat niya. Nahinto saglit sa paghakbang si Estong habang nakatitig sa maamong mukha ni Rowena. Para lang natutulog ang babae sa paningin niya. Hindi niya namalayan ang pagsilay ng isang marahang ngiti sa mga labi niya. Pinagpatuloy niya ang paghakbang pero nahinto na naman nang may humarang na guro sa harapan niya. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong nito habang nakatitig kay Rowena. "Hindi ko po alam, maam." "Dali! Dalhin natin sa office!" Patakbong tinungo ng naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD