Kabanata 7.1: Pagsibol

1121 Words
Plano niyang magpunta sa gusali ng mga first year para sunduin si Rowena. Pero nasira ang plano niya nang makita niya si Jowee na pinapaypayan ang sarili habang nakaupo sa lilim ng isang puno sa gilid ng gusali ng mga juniors. Wala itong kasama. Namumula ang buong mukha at pawisan pa. Bigla siyang naawa sa dalaga. Alam niyang hindi ito sanay sa mainit na kapaligiran ng eskwelahan. Laki sa aircon ang babae kaya naintindihan niya kung bakit ganiyan ang reaksyon ng katawan nito sa init. Pero kailangang masanay ito sa kapaligiran, at kung hindi nito kaya ay mas mabuting bumalik ito sa pribadong paaralan. Kaso... ayaw ni Estong na bumalik si Jowee sa sentro. Ayaw niyang lumayo ang babae. Gusto niyang manatili si Jowee sa Sitio at manatili sa paaralang pinapasukan niya. Humakbang siya palapit dito. Nawala na nang tuluyan sa isipan niya ang tungkol sa usapan nila ni Rowena. At habang papalapit siya sa babaeng nakaupo sa lilim ng puno ay tanging mukha nito ang laman ng isipan niya. Iniling niya ang ulo. Ano bang nangyayari sa kaniya at para siyang nababaliw kay Jowee? Umikhim siya. "Jowee," bati niya. Tumingala ito sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata nang makita siyang nakatayo sa harapan. "Emmanuel?" mangha nitong tanong. Ngiti siyang tumango sa babae. "Naalala mo pa ang pangalan ko." "Of course." Pinahid nito ang pawis sa noo at hilaw na ngumiti sa kaniya. "So... why are you here?" "Nakita kitang walang kasama." Naningkit ang mga mata ni Jowee saka ngumiti na parang nanunudyo. "Any reason aside from that?" "Ano?" Natawa si Estong. "May ibang dahilan ba ang paglapit ko sa 'yo?" "That's unusual." Huminga nang malalim si Jowee at nagpaypay na naman gamit ang sariling kamay. "There is hidden motive in every action." Tumango-tango si Estong sa sinabi ni Jowee. May punto naman ito pero wala siyang maisip na ibang dahilan ng paglapit niya rito. Nagkibit-balikat siya. "Nakita lang kitang walang kasama kaya inisip kong baka gusto mong may makasama. Tanghalian na ngayon at dapat ay nando'n ka sa kalinderia o kaya sa kantena para kumain." "I'm not in the mood to eat." Bumuntong-hinga si Jowee. "It's not that I'm full but I can't find the urge to eat something right now." Pinakita ito ang dalawang palad at tinuro ang pawisang noo. "You see these?" Tumango si Estong. Lumabi si Jowee at muling nagpaypay sa sarili. "Kanina, everyone in the classroom is looking at me. They have this look that I'm weird and that I don't belong in here." Bumuntong-hinga ito. "I'm not use to this kind of weather. Kahit na mainit sa sentro, but every classroom have coolers so I don't really feel too hot during lectures." Taimtim lang na nakikinig si Estong sa hinaing ni Jowee. Alam niyang hindi madali ang mag-adjust sa SRNHS. Kakaiba ang patakaran ng bawat paaralan, at alam niyang iba rin ang sistema ng pribado at pampublikong paaralan. Umikhim siya. "Kailangan mong matuto kung paano makisalamuha at maging komportable sa maalinsangang panahon." "Err." Matalim ang sulyap ni Jowee sa kaniya. "You sound like you've experienced this adjustment phase." "Hindi naman mahirap isipin kung anong pinagkaiba ng eskwelahan mo noon at ngayon." Tumitig siya kay Jowee. Bigla nalang siyang nakaramdam ng awa para dito. Hindi sanay ang mga mata niyang makakita ng taong namumula dahil sa tirik na araw. Lahat ng tao sa Sitio niya ay moreno at morena, pwera sa mga taong may kaya tulad ni Yalke at mayayaman na tulad ni Alkan. Pero ang taong mapuputi sa Sitio ay hindi naman namumula sa ilalim ng tirik na araw na tulad ni Jowee. At kung mamumula man ay dahil 'yon sa ilang araw na pagbilad sa ilalim ng araw. Bumuntong-hinga siya. "Pwede ba akong umupo sa tabi mo?" tanong niya. Ilang segundong tumitig si Jowee sa kaniya. Na parang pinag-aaralan siya sa ilalim ng titig nito. Pagkuwan ay nag-iwas ito ng tingin. "You're not going to canteen? It's lunchbreak." "May baon akong pandesal dito. Ayos na 'to," sabi niya at mabilis na naupo sa tabi ni Jowee. "Gusto mo ng pandesal?" alok niya. Umiling si Jowee. "I like it better if that's hot." "Gano'n ba?" Nilabas niya ang supot na papel mula sa body bag. Binuksan niya 'yon at binilad sa araw. Nangunot naman ang noo ni Jowee sa ginawa niya. "What are you doing?" "Gusto mo nang mainit na pandesal." Marahan siyang ngumiti. "Maya-maya ay mainit na 'to. Bigyan mo ako ng dalawang minuto." Umasim ang mukha ni Jowee. "Weird. What would it taste like after you put it under the sun?" Natawa si Estong at hindi na nagsalita. Minabuti niyang titigan ang pandesal na binibilad niya sa sinag ng araw na lumusot sa mga sanga ng punong kinalalagyan nilang dalawa. Tahimik lang din si Jowee sa tabi niya. Ilang sandali silang tahimik hanggang sa inalis ni Estong ang pandesal sa ilalim ng araw. Kumuha siya ng isa at inabot kay Jowee. "Tikman mo." Lumunok si Jowee habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kaniya at sa hawak niyang pandesal. Pero kalaunan ay tinanggap nito ang inaabot niya at marahang kumagat. Napangiti si Estong. "Masarap ba?" tanong niya. Bumuntong-hinga si Jowee at mariing tinitigan ang kinagatang pandesal. "IT tastes like pandesal bread." Natawa siya. Nakangiti siyang kumuha ng isa pang pandesal at inisang lamon 'yon. Ngumuya siya habang nakatitig kay Jowee. Nagusot naman ang mukha ni Jowee at bahagyang umirap sa kaniya. "Don't stare please." Doon lang niya iniwas ang tingin. Tinanaw niya ang building ng freshman sa tapat ng punong kinalalagyan nila, at nahagip ng mata niya ang nakabusangot na mukha ni Rowena. Nakatingin ito sa gawi ng punong kinasasadlakan niya. At hindi siya mangmang para hindi mapagtantong masamang nakatingin sa kaniya ang kababata. Natigilan si Estong. Natampal niya ang noo nang may maalala. May usapan pala sila ni Rowena! Bumaling siya ulit kay Jowee. "Anong oras na?" Nagbaba ito ng tingin sa relong nasa bisig. "It's almost quarter to one." Marahas siyang bumuntong-hinga. Malapit nang matapos ang tanghalian pero nandoon pa rin sa gusali ang kababata niya at masamang nakatingin sa kanila. Umikhim siya. "Jowee, pwede ba kitang iwan saglit? May kailangan lang akong lapitan." "No problem." Kinuha niya ang supot ng pandesal at binigay kay Jowee. "Sa 'yo na 'to. Ubusin mo para hindi ka magutom mamaya." Bumaba ang tingin nito sa supot na papel na inaabot niya. Pagkuwan ay ngiwi 'yong tinanggap. "How about you?" "Busog na 'ko," ngiti niyang saad. "Sige, alis na ako. Kita tayo mamaya." "Okay." Tumayo siya at malalaki ang hakbang na tinawid ang gusali ng mga freshman. Nakatuon ang tingin niya sa nakabusangot na mukha ni Rowena. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito hanggang makalapit siya nang husto. Hilaw siyang ngumiti. "Wena," bati niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD