Kabanata 6.2: Rowena

1073 Words
Huminto siya sa pagtakbo at nakangusong lumingon kay Estong. Malayo-layo ang distansya nito sa kaniya pero kita niya mula sa pwesto ang hindi mapuknit-puknit na ngiti sa mga labi nito. Tinatawanan siya. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. "Nakakainis ka talaga!" sigaw niya. Kumaway lang si Estong nang may humintong tricycle sa gilid nito. Humalukipkip siya at gusot ang mukhang naglakad palapit sa kababata. Hinintay siya nitong makalapit. Natatawa pa rin ito sa kaniya. "Una ka na sa loob." "Hmmp. Nakakainis ka pa rin!" Nagkibit-balikat lang si Estong at hindi na pumatol sa init ng ulo niya. "Sa San Roque National High School," sabi ni Estong sa drayber. Tahimik ang biyahe nila papunta sa paaralan. NAUNANG UMIBIS sa traysikel si Estong. Ito na rin ang nagpresentang magbayad sa pamasahe nilang dalawa. Hindi na siya nakipagtalo dahil nakasanayan na niyang nililibre siya nito ng pamasahe. "Didiretso na ako," paalam ni Estong. Tumango siya at patakbong tinungo ang unang building. Doon ang klasrom niya. Sa palagay niya ay wala pang flag ceremony dahil marami pang estudyante ang palakad-lakad sa field. "Good morning, Row!" bati ng ilang kaklase niya. Bumati rin siya pabalik sa mga ito at tiningala ang wall clock sa itaas ng chalkboard. Limang minuto bago mag-alas siyete. Nakahinga siya nang maluwag. Sinukbit niya sa likod ng arm chair ang backpack at naupo. Kinuha niya sa bag ang assignment notebook at nagtanong-tanong sa kaklase kung sino na ang nakasagot sa math assignment nila. "Ako!" sabi ng katabi niya. Inabot nito sa kaniya ang isang kulay ubeng notebook. "Bilisan mo lang. Malapit nang flag." "Salamat," ngiti niyang sambit at mabilis na kinopya ang sagot ng kaklase niya. Saktong tumunog ang school bell. Natapos na rin niya ang pagkopya sa assignment. "Salamat ulit," sabi niya sa katabi. Ngiti lang ang sinukli nito at mabilis na binalik sa bag ang notebook. Mabilisan din niyang niligpit ang mga gamit at patakbong lumabas ng classroom. "Bilis, bilis!" sabi ng katabi niya. Sabay silang tumakbo tungo sa naglilinyahang mga estudyante. Pero dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansing nasa linya siya ng fourth years. "Patay," bulong ng katabi niya. Napansin pa niya na pinagtitinginan sila ng seniors. Akmang hihilain niya ang kaklaseng katabi nang magsimulang tumugtog ang national anthem. Wala siyang nagawa kung hindi tumayo nang tuwid sa likod ng pinakahuli sa linya ng babaeng seniors. Sana lang ay hindi sila mapansin ng teachers. Sobrang tangkad pa naman ng sinusundan nilang mga babaeng fourth years. Matapos ang national anthem at provincial hymn ay magkakaroon ng kaunting exercise. At habang hinihintay ang pagtugtog ng musika ay hinila ni Rowena ang kaklaseng katabi niya para lumipat ng linya. Dumaan sila sa linya ng kalalakihang seniors hanggang makarating sa juniors. Mga babaeng juniors ang nandoon. Nang magsimulang tumugtog ang musika ay hinila niya ang kaklase sa hulihan ng linya. Sinundan nila ang babaeng nasa hulihan na pinagpapawisan at namumula ang mukha. "Lipat tayo mamaya," bulong niya sa kaklase. Sumayaw sila saglit sa tugtog ng musika. At habang abala siya sa pagsayaw ay napansin niyang nakatayo lang ang babaeng sinusundan niya. Nakataas ang kamay nito na parang tinatakpan ang sinag ng araw. Kinalabit niya ang babaeng junior. Lumingon ito sa kaniya at nagulat nalang siya sa pawisan nitong mukha at namumulang balat sa ilalim ng araw. "Ayos ka lang?" tanong niya. Kinagat nito ang ibabang labi saka tumango. "I-I'm fine." "Baka kailangan mo munang sumilong? Pulang-pula na ang mukha mo." "I-I'm really fine." Lumunok ito at nilahad ang kamay sa harap niya. "I'm Jowee. You are?" Agad niyang tinanggap ang pakipagkamay nito. "Rowena," sabi niya saka ngumiti. "Hindi ka hilig sa mainit? Ngayon lang ako nakakita ng namumula sa init ng araw." "Y-Yeah." Tiningnan nito saglit ang kaklase niyang nakalinya sa likuran niya at binalik ang tingin sa mukha niya. "We should dance. Baka makita tayo ng teacher. I don't want to be scolded in my first day here." "Transferee ka?" Tumango si Jowee at ngumiwi sa init ng araw. "Ah sige!" Ngumiti siya rito. "Welcome to SRNHS, Jowee!" "Thank you," sabi nito at umikot paharap sa sumasayaw na dance leader sa gilid ng flagpole. Ilang minuto ang tinagal ng pagsasayaw nila. At nang matapos ang exercise ay hinila niya ang kaklase palampas sa mga juniors pero dahil sa pagmamadali ay may nabangga siya na isang lalaking nakalinya sa kalalakihan ng sophomore. "Rowena," bulalas ng kaklase niya at hinawakan ang balikat niya. "Mag-ingat ka naman." Tiningala niya ang lalaking nabangga. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata niya nang mapagtantong si Estong ang nabangga niya. "Estong," bulong niya. Nangunot ang noo nito. "Ba't ka nandito, Wena? Nasa kabila ang linya ng freshman." Kumurap siya at hilaw na ngumiti. Akmang magsasalita siya nang bigla siyang sinundot ng kaklase niya. "Bumabalik na sa klasrom ang kaklase natin." "Ha?" Tinanaw niya ang mga kaklase na nasa kabila. Linya-linya ngang bumabalik ang mga kaklase sa unang building kung nasaan ang klasrom nila. "Hala! Oo nga!" "Tara na," aya ng kaklase niya. Bumaling siya kay Estong. Nakatitig ito sa kaniya at may munting ngiting naglalaro sa gilid ng labi nito. Napahawak siya sa dibdib. Bumibilis na naman ang t***k ng puso niya. Bakit ba kasi ganiyan ang titig ni Estong sa kaniya? "Wena?" pukaw nito sa kaniya. Kumurap na naman siya at ngumiti sa kababata. "Kita tayo mamayang tanghalian. Nagbaon ako ng paborito mong adobo." Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Estong. "Ikaw ang nagluto?" "Hmm..." Tumango siya. "Ubusin mo 'yon kung 'di makakatikim ka sa akin!" Tumango si Estong. "Susunduin kita mamaya." "Sige!" Hinila na siya ng kaklase niya para sumunod sa hulihang linya ng seksyon niya. Nilingon niya ang linya ni Estong pero kasalukuyan nang umaabante ang linya ng sophomore. "Lakad na, Rowena." Marahan siyang tinulak paabante ng kaklaseng nasa likuran niya. "Nasa unahan na sila." "Oo naman!" Malaki ang hakbang niya paabante. "Pero 'wag mo naman akong itulak. 'Di maganda ang matisod dito," reklamo niya. "Sori naman," hagikgik ng kaklase niya. "Lakad na kasi." Humalukipkip siya at patakbong sumunod sa mga kaklase niya papunta sa unang building kung nasan ang klasrom ng mga first year. Ilang oras siyang nakaupo sa loob at nang pumatak ng alas-dose ang orasan ay doon lang siya nakahinga nang maluwag. May isang oras siya para kumain kasabay si Estong. Masaya niyang kinuha nag lunch box sa loob ng backpack at lumabas. Nilibot niya ang tingin pero wala siyang nakitang Estong sa labas ng klasrom. Sa'n kaya ang lalaking 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD