Dalawang araw nang hindi makalabas ng bahay si Aling Nena dahil sa mga natamo nitong pinsala sa mga bubuyog. Nagdesisyon ang grupo na itigil na muna ang paghahanap habang hindi pa gumagaling ang ginang. Inabusahan sila nito na pumasok na muna para makahabol sa klase. Kaya naman hindi maipinta ang mukha ni Rowena sa ayaw na 'yon. Maganda pa naman ang sikat ng araw. Mabilis ang takbo ng mga ulap sa kalangitan. May ilang ibon pang lumilipad sa himpapawid at malayang sinasayaw ng hangin ang mga sanga ng puno sa hindi layuan. Pasado alas-siyete na. Alam niyang sobra na siang huli sa klase kaya plano niyang lumiban sa unang asignatura. Hindi siya pumasok sa klase, at tumambay lang sa likod ng isang abandonadong gusali. Malimit lang na rumoronda ang gwardiya sa bahaging 'yon dahil wala namang

