Ano bang ginagawa ni Estong? Bakit kasama niya si Jowee? Bakit palaging magkasama ang dalawa? At bakit nalimutan na siya ni Estong? Nanlabo ang paningin ni Rowena habang tumatakbo palapit sa dalawang masayang nagkukwentuhan sa unahan. Kinagat niya nang mariin ang mga labi. Gusto niyang magtanong. Gusto niya! Hindi niya maintindihan kung bakit simula nang makilala ni Estong si Jowee, ay para bang wala na siyang halaga kay Estong. At ang palagi nalang nitong nakikita ay si Jowee. Si Jowee lang. Parati nalang si Jowee. Ano bang meron sa babae na 'yon at bakit mas gusto ni Estong na kasama ito kaysa sa kaniya? Panget ba siya? Pango ba ang ilong niya? Maliit ba siya? Maitim ba siya? Kulot ba ang buhok niya? Marumi ba siyang tingnan? Mukha ba siyang hindi babae? Ano? Ano bang pinagkaiba nila

