Tumakbo si Jowee. Bumuga naman ng hangin si Estong at tumakbo pahabol sa dalaga. "Jowee!" tawag niya pero hindi man lang ito huminto ni lumingon sa kaniya. Hindi niya ito napakilala sa ina dahil nagkaayaan silang magkakaibigan kahapon. At nang magkita sila kanina ay iniwasan siya nito. Hindi naman siya makalapit nang husto dahil maraming estudyante at kung ano pa ang isipin ng mga ito. AYaw pa naman ni Jowee na malaman ng lahat kung anong meron sa kanila. Hindi niya alam kung bakit tumatakbo ito palayo sa kaniya. Wala naman siyang nagawang masama? Hindi naman niya ito nakita kahapon kaya inisip niyang nakauwi na ito sa kanila. At bakit para yatang galit ang babae sa kaniya? Huminto siya saglit at hinabol ang hininga. Tinanaw niya ang bulto ni Jowee na tumatakbo palayo, paliko sa liko

