When I opened my eyes, I was once again greeted by the familiar room of a hospital. Right. Nasa ospital na naman ako. My eyes got misty when I remembered what happened last night. Nang makaalis ako sa bahay lulan ng taxi, wala akong direksyon kung saan ako pupunta. Magulo ang utak ko at sabog maski kaluluwa ko. Wala akong plano, wala akong naiisip, wala kahit na ano. Inaway na nga ako ng driver kasi pagod na siya kakaikot nang walang direksyon. Hanggang sa siya na rin ang nagsuggest na ibaba ako sa provincial bus station. Nagpatianod ako. Bumaba ako at sumakay sa unang bus na nakita kong paalis na. Ni hindi ko binasa ang signboard o narinig ang byaheng sinisigaw ng konduktor. Basta sukbit sa balikat ko ang malaki kong backpack ay wala sa sarili kong sumakay ako. There's only one

