Saphira’s POV Hindi ko alam kung tulog pa si Kael, pero gaya ng kahapon, tahimik ang buong bahay habang ang ilaw sa ilalim ng pinto ng kwarto niya ay nakabukas pa rin. Mukhang abala siya sa trabaho. Ako naman, tahimik na kumuha ng walis. Binuksan ko ang vacuum. Hindi dahil gusto kong mapansin niya. Hindi dahil gusto kong makuha ang atensyon niya. Gusto ko lang mapatunayan na hindi ako pabigat. Na kahit sa sitwasyong ‘to, may silbi pa rin ako. Hindi ako tamad. At higit sa lahat, kaya ko maging responsable — kahit na hindi na niya ako tinitingnan. Inuna ko ang gilid ng lamesa, pagkatapos ang ilalim ng mga upuan. Hanggang sa marating ko ang sala. Nandoon ang maliit niyang coffee table… at sa ibabaw nito, ang open laptop niya. Nakasaksak sa charger, may ilang papel sa gilid — halatang aba

