Kinabukasan ay medyo maayos na ang tuhod ni Cindy, nakakalakad na din ito ng medyo hindi na paika-ika. Nagkita na sila ni Lester sa kanilang paaralan dahil nauna na ang binatang pumasok. Sa araw na iyon iaanunsyo ng kanilang guro ang magaganap na JS Prom nila sa paaralan. Gaganapin ito sa araw ng mga puso kung saan ang mga mag-aaral sa ikatlo at ika-apat na taon ng kanilang paaralan ang mga kasali. Magsusuot ng gown ang mga kababaihan samantalang americana suit naman ang mga kalalakihan. Kanya-kanyang diskarte na din sa magiging ayos at damit nila. May sayawan at kainan na magaganap,lahat ay sabik na sa kaganapang ito dahil malayang maisasayaw ng mga kalalakihan ang mga babaeng nais nilang isayaw. Pagkatapos mag announce ang kanilang guro ay inumpisahan na ang kanilang klase, pagkatapos n

