Pagdating ni Cindy sa tapat ng gate ay kitang-kita na niya si Lester na may dalang bulaklak, at nagaabang sa harapan ng gate. Napangiti siya dahil napaka gwapo ng kanyang kaibigan sa suot nito. Bakat ang matipunong katawan nito at talagang bagay na bagay sa kanya. "Iha napapangiti ka na naman nakita mo lang si prince charming mo eh", ang pang-aasar ni Mang Dong kay Cindy. "Mang Dong naman panira ng moment", ang nakangising wika naman ni Cindy. Tumawa lang ang matanda at saka na bumaba upang pagbuksan siya ng pinto. Ng makababa na siya sa kotse ay agad siyang sinalubong ni Lester. "Magandang gabi Binibini", ang bungad na bati ni Lester kay Cindy at nakangiti ito. "Magandang gabi din Ginoo", ang wika ni Cindy at ngumiti din kay Lester. Iniabot ng binata ang bulaklak kay Cindy, kinuha

