Tatlong Puting Rosas
ㅡㅡㅡ
Alas-otso ng umaga.
'Love is a gamble, not a game because you are supposed to take some risk not play' iyan yung nabasa ko sa isang website na punong-puno ng quotes about love.
Madami pa akong nababasa roon, meroon pa nga na love is like a game dahil may mga natatalo at may nanalo.
Tapos meron pa na love is like a journey, love is like an animal and love is like a food.
Pero ikaw? Kung tatanungin ka na anong tingin mo sa love, anong isasagot mo?
Kasi ako?
Kung ako ang tatanungin kung anong tingin ko sa love ang isasagot ko ay "Love is like a Panghimagas"
Ang paborito kong pang himagas na Halo-Halo!
Bakit Halo-Halo ang tingin ko sa pagmamahal?
Dahil nandoon na lahat ang mga sangkap na bumubuo o nagpapasarap sa isang panghimagas na maihahalintulad mo sa isang pagmamahal kung saan halo-halo na rin ang mga sangkap na bumubuo sa salitang pagmamahal.
Pero alam niyo ba na kapag kulang ang sangkap ng isang Halo-Halo ay hindi mo malalasap ang tunay na sarap ng panghimagas na ito, dapat kumpleto, walang kulang at walang labis.
Tulad ng pagmamahal hindi dapat nagkukulang at hindi rin lumalabis.
Ang pagmamahal ay hindi lang puro saya.
"Yes this it! Malaya na tayo! Magagawa na natin ang lahat ng gusto natin!"
"Anong gusto mong ulam natin mamaya? Isaw? Betamax? Porkchop? Alam mo bang may tindang Halo-Halo ngayon sila Regina? Ibibili kita mamaya!"
"Hindi! Hindi! Bawas-bawasan na natin ang pagkain ng street food dahil nakakasama ito kapag araw-araw, may gulay naman kayong pinitas sa taniman kaya 'yan nalang siguro lutuin natin, bulanglang na gulay!"
"Okay po Doktor Ian! Masusunod po ang utos niyo, pero teka? Kailan natin kukuhanin yung tv niyo? Baka malagpasan natin ang inaabangan nating palabas"
"Bukas nalang, baka gabihin pa tayo sa daan"
Ang pagmamahal ay hindi lang puro ligaya.
"Ipangako niyo sakin na aalagaan niyo itong bahay natin, dahil pa-mana pa sa'kin ito ng mga lolo at lola niyo, mangako kayo"
"Pangako Mamang"
"Aalagaan ko po kayong dalawa ni Tito, aalagaan ko po si Ian at aalagaan ko rin po itong bahay niyo"
"Baka naman magtampo ang mga magulang mo niyan, sila rin dapat ay alagaan mo lalo na ang Nanay mo"
Ang sangkap na saya at ligaya ng pagmamahal ay may kaakibat na lungkot at takot.
"Bakit naman ganun yung sinabi mo sa harapan ng mga kaibigan mo? Napaka-insensitive, parang hindi mo ako kilala ah"
"Ayoko lang malaman nila na ano...na bakla ako!"
"Ikaw? Sarili mo na naman ang iniisip mo, hindi mo ba alam kung anong nararamdaman ko?"
"Hindi mo kasi ako maintindi---"
"Naiintindihan kita!"
Sa likod ng lungkot at takot ay nandoon yung galit at poot.
"Putanginang takot 'yan! Anong mapapala mo diyan sa pagiging duwag mo!?"
"Iwanan mo nalang ako kung pagod kana! Iwanan mo nalang ako kung ayaw mo na!"
"'Yan! Diyan ka magaling eh! Ang dali mo lang sabihin ng mga salitang 'yan! Magaling kang tumakas ang galing-galing tumakbo! Ang sabihin mo wala kang bayag! Duwag ka! Duwag!"
Hindi mawawala sa sangkap ng pamamahal ang sakit at paghihinagpis.
"Wag mo akong iwan Ian, dito ka nalang please, dito nalang tayo, wag mo akong iwan mag-isa rito"
"Para sa ikabubuti ko 'to at para sa ikabubuti natin"
"Pero mawawala ka, iiwan mo akong mag-isa"
"Hindi kita iiwan, babalikan kita kaya maghintay ka lang at hintayin mo akong bumalik ha"
Karamihan sa mga pangako ay napapako at karamihan sa lahat ng mga totoo ay nagiging loko-loko.
Kung ang halo-halo ay may ube kung saan ito ang huling sangkap na magpapasarap sa panghimagas, ang sugat naman ng kahapon ang kukumpleto sa isang pagmamahal na nasira ng tuluyan.
Sugat na magpapaliwanag sa iyong mundong madilim, sugat na magpapaliwanag kung ano talaga ang totoong hangarin at sugat na magiging daan upang ikaw ay matututo sa mga sakit at maling nagawa mo na pinagsisihan mo rin.
ㅡㅡㅡ
Pagmulat ng aking mga mata ay doon sumalubong sa akin ang kahoy na kisame ng aming mansyon dito sa Rambo Hacienda sa Probinsya ng Rizal.
Literal na awtomatikong sumilay sa aking mga labi ang sigla at saya habang damang-dama ko ang malambot na kama.
Sino bang hindi matutuwa kung lumipas na ang limang taon na hindi ako umuuwi dito sa Hacienda.
I'm finally home!
"I'm finally home!" mabilis akong bumalikwas nang bangon at doon ko nilanghap ang preskong hangin na nanggagaling sa harapan ko kung saan bukas ang bintana ng kwartong ito.
Doon ako lumanghap ng hangin at hindi ko maiwasang mapapapikit muli dahil sa sobrang presko at napaka healthy ng hangin dito sa probinsya.
Muli kong iminulat ang aking mata at doon ako bumaling ng tingin sa labas ng bintana, puro luntian ang aking nakikita.
Nagsisimula na ring pumasok at kainin ng liwanag ang kwartong ito dahil sumisikat na ang araw sa silangan.
Umaalingangaw na rin ang tilaok ng mga manok isama mo pa ang tila pag-awit ng mga ibon na nanggagaling sa labas ng kwartong ito.
Probinsya. Muli akong napapikit dahil hindi ko maisip na sa loob ng limang taon ay ngayon nalang ulit ako nakauwi dito sa probinsya.
Hindi ko pa nalilibot ang buong hacienda dahil gabi na rin noong dumating ako dito sa mansyon, pati baka abutin ako ng isang araw para matapos kong libutin ang buong kalupaan ng Rambo Hacienda.
Nasa ganoon akong senaryo ng mapaigtad ako dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan, napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kwarto dahil doon nanggagaling ang ingay.
"Senyorito, pinapatawag na po kayo ni Don Benjamin para sa inyong umagahan at para makapag handa na rin po kayo sa seremonya" wika ng isang babae sa labas ng aking kwarto.
Ngumiti ako dahil na-missed ko na ring may tumatawag sa akin sa pangalang senyorito "Opo, sige po Manang susunod na ako" magalang kong tugon, bago ko narinig ang mga hakbang niyang papaalis.
Muli akong bumaling sa labas ng bintana para panoorin ang mga punong sumasayaw dahil sa hangin.
Missed na missed ko talaga ang mansyong ito, na-missed ko ang amoy ng pinaghalong kahoy at pabango dito sa aking kwarto.
Muli akong lumanghap ng hangin at doon ako muling napapikit dahil may pamilyar na aromang nilalanghap ang aking ilong.
"Roses" ang aking wika at doon nagmulat.
Mabilis akong bumaling sa kanan kung saan doon ko nakita sa study table ang tatlong puting roses na nakalagay sa transparent na vase.
"Shet" wika ko at doon ako mabilis na bumangon para humakbang papunta sa aking study table.
Mabilis kong kinuha ang tatlong white roses sa vase at doon ko ito inamoy, tila para akong si Snow White dahil sa aking ikinikilos.
"Saan galing 'to?" wika ko at doon ko nasilayan ang isang dilaw papel na nakapatong sa ilalim ng vase.
Dahan-dahan kong kinuha ang dilaw na papel na iyon at doon ko ito binasa "Welcome home, I miss you" pagbasa ko rito.
"Welcome home, I miss you? Saan naman galing 'to?" pagtataka kong wika at doon nalang muling inilapag ang papel sa lamesa.
"Baka kay Papang" pagkukumbinsi ko sa aking sarili at napangiti nalang ako.
Muling akong napaigtad dahil sa sunod-sunod na pagkatok.
Bumaling ako ng tingin sa pintuan at doon pinakinggan kung sino ang magsasalita.
"Anak mukhang napasarap ang tulog mo diyan! Aba'y Bumangon kana at maghanda! Naghihintay na ang mga tauhan sa labas, isuot mo na rin ang uniporme mong pang Doktor para malaman nila kung anong misyon mo rito sa Hacienda" matanda at baritong boses ang nanggaling sa labas ng kwartong ito.
Napangiti ako "Sige po Papang susunod na ako, bigyan niyo lang ako ng limang minuto" ang aking tugon at doon ko narinig ang tila pagtanggi niya
"Nako! Bahala ka bilisan mo na diyan at madami nang naghihintay sa 'yo!" tila pagsuko nito at napa-bungisngis nalang ako.
Nang maramdaman kong lumisan na si Papang sa harapan ng pintuan ay doon ko nalang muli inamoy ang tatlong puting rosas na hawak-hawak ko.
"Ang bango talaga ng amoy ng rosas" nakangiti kong wika at doon inilibot ang aking paningin sa loob ng kwartong ito.
Missed na missed ko talaga ang kwartong ito dito sa mansyon. Gawa sa kahoy ang mga kisame, pader, sahig at mismong bintana.
Masasabi kong hindi magarbo, pero matibay dahil ilang bagyo na ang dumaan ngunit hindi ito nagigiba.
Na-missed ko ang kwartong ito na punong-puno ng larawan na kuha ko mula sa aking kamera.
Puro larawan ng kapaligiran, mga batang naglalaro sa damuhan, mga prutas na hinog sa puno, mga hayop na pag mamay-ari ni Papang at ilang mga taong naging espesyal sa buhay ko.
Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kaliwang bahagi ng kwarto dahil mayroon doong malaking picture frame kung saan nakalagay ang larawan naming pamilya.
Hawak-hawak ko sa aking kaliwang kamay ang roses habang ang aking kanang kamay naman ay dahan-dahang idinadampi sa mukha ng isa sa pinakamamahal ko sa buong mundo.
"I miss you Mamang" nakangiti kong wika sa aking namayapang Nanay.
"I miss you Papang" wika ko din sa aking malakas at matatag na Tatay.
"I miss you Ian" wika ko sa labing dalawang edad na ako.
Kaming tatlo lang nila Mamang at Papang ang nandito sa larawan dahil wala na naman kaming iba pang isasama dito.
Ako lang ang nag-iisang anak nila Mamang at Papang dahil halos mamatay na si Mamang noong ipinanganak ako kaya natakot na siyang sundan ako ng kapatid.
Sad to say, ako lang talaga ang anak nila. Ngunit madami namang anak si Papang dahil siya palagi ang kinukuhang Ninong ng kanyang mga kumpare dito sa Hacienda.
Pagkatapos kong titigan ang larawan naming tatlo ay muli kong inamoy ang rosas na hawak-hawak ko.
"Ang bango talaga" nakangiti kong wika dahil sa amoy nito "Nag abala pa talaga si Papang na bigyan ako ng bulaklak, saan niya kaya ito nakuha?" segunda ko pa.
Muli akong humakbang para tingnan pa ang ibang mga larawan na naka dikit dito sa kwarto. Dahil sa tuwing nakakakuha ako ng magagandang larawan gamit ang aking kamera ay idinidikit ko ito rito sa pader.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa aking nakikita, sino ba naman kasing hindi matutuwa kung sa halos limang taon na hindi ka umuwi dito ay ganito ang bubungad sa 'yo.
Nakangiti lang akong nagmamasid sa mga larawan habang inaamoy-amoy pa ang bulaklak nang biglang magbago ang ekspresyon ng aking mukha.
Lahat ng bagay dito sa aking kwarto ay namissed ko, maliban nalang sa aking nakikita ngayon.
Ang aking pagkakangiti ay napalitan ng pag-kainis, kumunot ang aking noo at doon nakataas ang aking mga kilay "Bakit nandiyan pa 'yan?!" inis kong wika sa malaking larawan na naka frame.
Larawan ng dalawang tatanga-tangang lalaki na kumakain ng pakwan habang nakaupo sa damuhan.
"Bakit nandiyan pa 'yan?" inis kong wika at doon ko pa ito inisnaban.
Dahil sa inis na nararamdaman ko ay bumaling nalang akong muli ng tingin sa ibang larawan habang itinuloy ang pag-amoy sa white roses na hawak ko.
Nasa ganoon lang akong pagmamasid nang muling may kumatok sa aking pintuan.
Bumaling ako ng tingin doon at inabangan kung sinong magsasalita, kahit malapit na rin naman ako sa pinto ay hindi ko ito binubuksan.
Nakatingin lang ako rito habang hinihintay kung sinong magsasalita.
Katok lang ng katok ang taong nasa labas "Sino 'yan?" pagtatanong ko at doon ako humakbang papalapit sa pintuan.
"Teka lang naman!" inis kong wika dahil tila sisirain na nito ang pintuan dahil sa lakas ng pagkakakatok niya.
Nang makalapit ako sa pintuan ay iniilahad ko ang aking kanang kamay sa doorknob at hindi na ako nag atubili pang buksan ang pinto.
Nang bumukas ang pintuan ay doon ko hindi malaman kung bakit ang hawak-hawak kong rosas sa ay mabilis kong hinampas sa pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko.
Nagtaasan ang mga dapat magtaasan sa aking katawan, tumaas ang kilay dahil sa inis, tumaas ang aking dugo dahil sa galit at tumaas ang aking mga balahibo dahil sa kilabot.
Tila nagulat siya sa aking ginawang paghampas dahil naglalakihan ang kanyang mga mata.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at doon sumigaw nang malakas sa aming mansyon.
"Papang! Bakit ka nagpapasok ng peste dito sa mansyon!?" malakas kong sigaw dahil nasa harapan ko ngayon ang isang lalaking nasa larawan kanina na kumakain ng pakwan.
ㅡㅡㅡ