ㅡㅡㅡ
One evening earlier.
"Pustahan tayo isang libong piso, kay Doc Ian nakatingin yung lalaki"
"Sige pusta ako, bulag 'yang lalaking 'yan"
Alas sais imedya ng gabi at nakatayo ako sa Nurse station ng General Surgeon Department dahil nag hihintay kami ng mga pasyenteng dadating.
Pasalamat kami dahil walang masyadong pasyente ang aasikasuhin ngayon dahil hindi pa rin kami lubos na nakakapag pahinga ng maayos dulot ng katatapos lamang ng mahigit isang taong pandemyang covid-nineteen dito sa Pilipinas.
Kahit hindi sakop sa propesyon namin bilang General Surgeon ang nasabing virus na covid ay wala kaming nagawa kundi ang tumulong na rin sa pag aasikaso ng mga pasyenteng positibo sa virus dahil sa kakulangan ng facility at doktor ang nangyari noong dumagsa ang pagtaas ng kaso.
Alam niyo ba na ang covid-nineteen ang naging paraan para mamulat ang mga nagbubulag-bulagan? Dito natin nalaman sa pandemyang iyon kung sino talaga ang mga karapat-dapat na umupo sa posisyon doon sa gobyerno.
"Kylo pustahan talaga tayo na kay Doc Ian nakatingin yung lalaki" napaigtad ako ng marinig ko ang dalawang kambal na nurse na patuloy ang kanilang kulitan at pag-yayabangan sa aking likuran.
Nasa harapan kasi ako ng station at counter nila at nakatalikod habang suot-suot ang puting doctor gown na kung saan nakapatong sa kulay itim kong polo at black pants na pang baba.
"Mali ka! Bulag talaga 'yang lalaki Mylo! Tingnan mo hindi pumipikit" wika naman ng isa pang kambal. Si Mylo at Kylo na sobrang kukulit na mga nurse.
Kanina pa sila nag tatalo dahil sa kanilang nasasaksihan.
May isa kasing lalaki na nakaupo sa bench ng waiting area dito sa loob General Surgeon Department.
Pinagtatalunan nilang dalawa kung kanino ba talaga nakatingin ang lalaking iyon, kanina pa kasi siya nakabaling ng tingin dito sa aming pwesto na ilang metro lang ang layo.
Nakatingin lang din ako sa lalaki dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya.
"Mukhang probinsyano, mistiso, gwapo at mukhang masarap" wika ng binabaeng si Mylo na tila kinikilig pa.
"Sige paandarin mo na naman 'yang kabaklaan mo" segunda naman ng straight pa sa pole na si Nurse Kylo "Ang sabihin mo mukhang probinsyano at mukhang gago" hirit pa nito na ikinainis lang ni Nurse Mylo.
"Sus! Basta pusta akong kay Doc Ian nakatingin 'yang lalaki! Doc kilala mo ba 'yan?" muling wika ni Nurse Mylo at doon pa tinawag ang aking pansin.
Umiling nalang ako habang diretso parin ang aking tingin doon sa sinasabi niyang mukhang probinsyano.
"Hindi ko siya kilala" tugon ko kay Nuse Mylo habang diretso parin ang aking tingin sa kanya.
Sakin ba talaga nakatingin 'yang lalaki?
Malapad ang pagkakangiti niya habang nakasuot ito ng asul na polo at nakasuot din siya ng black pants na pang baba. Tila pupunta siyang job interview dahil sa suot niya.
Mukha nga siyang probinsyano dahil sa kulay ng kanyang balat, hindi maitim kundi kayumanggi.
Bakat na bakat din sa polo nito ang kanyang dibdib na umuumbok, habang ang kanyang buhok ay bagsak na bagsak at doon pa naka hati sa gitna na parang si Kimpy.
"Anong ginagawa niya rito?" wika ko sa aking sarili at doon lang siya tinitingnan dahil hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita sa kanya.
Gulat parin ako, gulat na gulat.
Habang patuloy ang pagkukulitan ng dalawang Nurse sa aking likuran ay doon ako napaigtad dahil may kung sinong umakbay sa akin na sobrang bigat ng braso.
Inalis ko ang tingin sa lalaking nakatingin dito sa amin at doon ako bumaling sa lalaking umakbay sa akin.
"Hi Doc Ernest!" sabay na pagbati ng dalawang Nurse sa aking likod at doon pa sila sabay na tumungo.
"Hello good evening" tugon naman ng lalaking umakbay sa akin.
Humarap ako sa kanan kung saan doon siya nakatayo at doon ko marahas na tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.
Ngiting-ngiti na naman ito ng wagas na tila walang bukas kaya binigyan ko nalang siya ng pagtaas ng aking kilay.
"Nandito ka naman! Nandito ka na naman!" doon ko nilahad ang aking mga kamay sa kanyang tagiliran para siya ay sunod-sunod na kurutin.
"Aray! Stop it! Ouch! Ian stop!" maarte at natatawang daing ni Ernest sa aking ginagawang pagkurot dito.
Rinig ko ang tawanan at bungisngisan ng dalawang Nurse sa aming gilid dahil sa kanilang nasasaksihan.
Itinigil ko ang aking ginagawang pagkurot sa kanya at doon ako umayos ng tayo sa harapan nito.
Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking bewang at doon siya hinarap ng parang isang nanay.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito? Mag mula nang bumalik ka rito sa Ospital ay wala kanang ibang inatupag kundi ang pumunta dito sa department namin, oras-oras, minuminuto!" saway ko sa aking bestfriend na si Ernest.
Mag bestfriend kaming dalawa at mag aanim na taon na kaming nagkukulitan mula pa noong kami ay nasa Amerika kung saan doon nagsimula ang aming pagkaka-ibigan noong nag aaral at intern pa kami.
Magkaiba kami ng specialization ni Ernest dahil isa siyang Neurosurgeon samantalang General Seurgeon naman ako.
Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas mula noong umuwi kami dito galing sa Amerika para rito na kami mag trabaho sa sarili nilang Ospital.
TOP Medical Center ang tawag sa Hospital na ito kung saan ay pag mamay-ari ng mga magulang ni Ernest na isa ring Neurosurgeon Doctor.
"Bakit masama bang pumunta rito? Gusto kaya kitang makita! Halos apat na buwan akong nakulong sa bahay kasama si Kokoy" pag-arte nitong lalaking ito at dinamay pa ang kanyang kapatid.
"Oo masamang pumunta rito! Wala kang agenda sa department niyo?! Dami mong time ha" inis kong tugon dito.
Umiling si Ernest habang malungkot ang kanyang mukha na parang tuta "Wala akong agenda, maghapon akong nagmomonitor kay Kokoy doon sa kwarto niya" patukoy nito sa kapatid niyang naka-confine sa kanilang ICU.
Tumango ako sa kanya "Kumusta na pala siya? Kumusta na si Kokoy? Hindi ako nakadalaw sa kanya ng dalawang araw" patukoy ko sa kanyang kapatid na si Kokoy.
Muling umiling si Ernest "Buhay na buhay ang gago dahil maghapong kasama si Nathaniel" patukoy naman niya sa kasintahan ng kanyang kapatid.
Malapit ako sa pamilya nila Ernest kaya kilalang-kilala ko na rin kung sino ang mga tao sa bahay nila.
"Dadaan ako mamaya doon kay Kokoy mag papaalam ako" wika ko sa kanya at doon ko kita ang pagtaas ng kanyang dalawang kilay.
"Bakit pala mas nauna pang malaman nila Papi at Daddy na mag li-leave ka ng isang Linggo!? Bakit hindi mo sakin agad sinabi?!" inis na wika ni Ernest sa harapan ko at doon ko narinig ang bungisngisan ng dalawang Nurse sa gilid dahil tila may batang galit sa harapan namin.
Tinaasan ko rin siya ng kilay "Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Sino kaba sa buhay ko?" pang-iinis ko pa sa kanya at doon ako inirapan.
"Gusto mo bang halikan kita?" nakangisi at wala sa kontekstong wika ni Ernest sa harapan naming tatlo.
Umiling ako sa kanya "Kaya ayokong sabihin sa 'yo! Nako Ernest! Kapag lang talaga ako nako! Kapag lang talaga nag selos sa akin 'yang girlfriend mo!" inis kong paglalahad sa kanya na ikinatawa nito.
Ang landi-landi kasi ng lalaking ito kahit na may girlfriend na siya, kaya kahit ang kapatid niyang si Kokoy ay pinag-iisipan kaming dalawa ng kuya niya ng masama.
"Pati hindi pa ba sinasabi sayo nila Tito--I mean Doc na kailangan mong sumunod sa akin doon sa probinsiya? Hinihiram kita sa kanila para mag check up ka rin ng mga trabahador nila Papang, dahil baka hindi ko kayanin kung mag isa lang ako" serysong lahad ko naman sa kanya at doon siya tumango.
"Sinabi na sa akin nila Papi pero bakit isang araw lang?" hirit pa niya at doon ako inakbayan papatalikod doon sa kambal.
Hindi na ako nag protesta pa at doon nalang ako sumuko sa kanyang mabibigat na braso.
"Isang araw lang, kasi ako na ang bahala sa ibang araw. May scheduling na mangyayari at kung mabuti ay sa Sabado na kayo pumunta dahil yun ang last day ko sa Hacienda" pagpapaliwanag ko pa rito at tumango naman siya.
"Noted babe" malanding wika niya sa aking tenga at doon ko narinig ang sigaw ni Nurse Mylo sa aming likuran.
"Oh! Ilabas mo na ang isang libong pusta mo Kylo! Sabi ko sa 'yo eh kay Doc Ian nakatingin yung lalaki! Tingnan mo papunta siya pwesto nila Doc ngayon at mukhang galit na galit!" dahil sa sinabi ni Mylo ay doon nga ako napatingin sa lalaking humahakbang na papunta sa puwesto namin.
Tila galit na galit ang lalaking ito kaya doon nalang ako napatitig sa kanya habang patuloy lang si Ernest sa kaharutan niya sa akin.
"Malawak ba doon sa Hacienda niyo Babe? Madami ba kayong tanim na buko? Pag walang buko uuwi nalang ako" malanding wika ni Ernest sa aking tenga habang diresto lang akong nakatingin sa lalaki na papalapit na sa pwesto namin.
Sasagot palang ako sa tanong ni Ernest nang makita ko ang aking sarili na kinakaladkad na ng isang lalaki.
"The f**k?! Hoy!"
"Doc Ian!"
Wika nilang tatlo nang tangayin ako ng lalaking galit na galit, mahigpit ang pag kakahawak niya sa aking kaliwang pulsuhan habang patuloy na hinihila papunta sa kung saan.
Walang akong ibang ginawa kundi ang magpaanod sa kanya, habang nakatingin sa kanyang galit na galit na pagmumukha.
Anong problema niya?
Doon ko nalang nakita ang aming sarili na nakatigil at nakatayo sa likurang bahagi ng Hospital kung saan nakaparada ang ilang mga sasakyan.
Nandito kami sa parking lot kung saan itinigil niya ako sa isang itim na motorbike, madilim na ang kalangitan ngunit may mga ilaw namang nagbibigay liwanag mula sa mga poste na sapat lang para makita ko ang mukha ng lalaki.
Marahas kong tinanggal ang pagkakakapit ng lalaki sa aking kaliwang pulsuhan.
Nagtaas ang aking kilay ganoon din ang aking boses "Ano bang problema mo!?" hiyaw ko sa kanya at doon ito sumagot ng seryoso.
"Sakay" tanging tugon niya sa akin na ipinagtataka ko.
"Ano? Pinagtitripan mo ba ako? Pati bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?" sunod-sunod na aking pagtatanong sa boses na inis na inis dahil sa kanyang kabastusang pinairal kanina.
Seryosong tingin lang ang itinutugon niya sa akin "Sabi ko sakay, ihahatid kita" wika nito na mas lalo kong ipinagtataka.
Muli sana akong sasagot sa kanya ng magring ang aking cellphone na naka lagay sa bulsa ng aking suot na Doctor Gown na malapit sa dibdib.
Kinuha ko ang aking telepono at doon ko tiningnan kung sinong tumatawag.
'Papang is calling' iyan ang naka rehistro sa aking phone kaya mabilis kong sinagot ang tawag.
"Hello Papang?" inis kong pagbati sa kanya dahil sa lalaking nakangisi sa aking harapan.
"Hello Anak aba;y nandiyan na ba si Omar? Aba'y siya ang susundo sayo diyan papunta dine sa Mansyon" matigas at baritong boses ni Papang ang tumugon sa akin.
Mas lalong nagtaas ang aking kilay at doon bumaling sa mukhang asong nasa harapan "Ikaw ang nagpadala ng peste dito Papang? Bakit sa dinami-dami ng pwedeng sumundo sa akin bakit ito pa?" inis kong wika at doon ko kitang umiling ang mukhang aso.
"May inaasikaso din kasing papeles iyang si Omar Anak, kaya siya na rin ang inutusan kong sumundo sayo papunta dine, nag aasikaso kasi iyan para sa kanya---"
"Whatever Papang, wala akong pakialam. Sige na po ibababa ko na 'tong tawag mag aayos na ako ng mga gamit" hindi na ako nag atubili pa at doon ko mabilis na pinatay ang tawag.
Inisnaban ko ang lalaking nasa harapan at doon ko siya tinalikuran.
Ngunit hahakbang palang ako ng maramdaman ko ulit na hinawakan niya ako sa aking kaliwang pulsuhan kaya marahas ko ulit iyong tinanggal at hinarap siya.
"Ano ba?" inis kong wika sa kanya na ikinangisi niya.
"Sakay na ikaw" nakangiti niyang wika sa akin kaya mas lalo akong nainis.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Sabi ko mag aayos muna ako ng gamit bago umalis at sumama sayo!" inis kong wika sa kanya na ikinatawa nito.
Nang-aasar ba siya?
Muli ko siyang inirapan at doon tumalikod sa kanyang pwesto, ngunit bago palang ulit ako hahakbang ay naramdaman kong pinigilan niya naman ako sa aking kaliwang balikat.
Humarap ako sa kanya at doon muling marahas na tinanggal ang pagkaka-hawak niya sa balikat ko.
"Ano ba? Nang-aasar ka ba?" iritadong-iritado kong wika sa kanya dahil sa katangahan nito "Anong bang problema mo? Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko mag aayos lang ako ng gam---"
"You look good tonight" nakangiti niyang wika sa akin na lalong ikinagalit ng loob ko.
Dahil sa pinaghalong inis at galit na aking nararamdaman ay doon ko mabilis na inilahad ang aking kaliwang palad para siya ay bigyan ng sampal sa kanyang kanang pisngi dahil alam kong deserve niya iyon.
--
--
Nang bumukas ang pintuan ay doon ko hindi malaman kung bakit ang hawak-hawak kong roses sa kaliwang kamay ay mabilis kong hinampas sa pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko.
"Papang! Bakit ka nagpapasok ng peste dito sa mansyon!" malakas kong sigaw dahil nasa harapan ko ngayon ang lalaking naka suot ng puting polo shirt na kagabi pa ako ginagago.
Malawak ang pagkakangiti ng lalaking nasa harapan ko kahit na nakatanggap siya ng pagsampla ng roses sa kanyang mukha.
Inisnaban ko ang lalaking nakaharang sa pinto at doon ako lumakad papalabas ng aking kwarto, sinadya kong banggain siya dahil nakaharang ito sa aking lalakaran.
Binaybay ko ang daan kung saan naroroon si Papang.
"Papang bakit ka nagpapasok ng peste dito?" inis kong wika ng makita kong kumakain siya ng umagahan doon sa kusina.
Kahoy ang sahig ng aming mansyon kung kaya't rinig na rinig ko ang matitigas na paghakbang ko dito.
"Alam mo namang ayaw na ayaw ni Mamang ng peste sa bahay dahil baka masira ang mansyon" dagdag ko pa ng makalapit ako sa kanya.
"Hindi na importante 'yan Anak, ika'y pumarine na dine at kumain ng umagahan dahil madami nang nagihihintay sayo sa labas kaya halika kana dine at tigilan mo na ang arte" wika ni Papang habang kumakain ng umagahan.
Nakaupo si Papang doon sa upuan kung saan dapat nakaupo ang mga haligi ng tahanan.
Padabog akong lumapit sa kanyang pwesto sa kanan dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon.
"Cynthia bigyan mo ng plato itong si Ian" utos ni Papang sa isang kasambahay na nakatayo sa likuran niya.
Hindi na naman tumugon si Manang at doon siya kumilos para ako'y bigyan ng plato.
"Thank you po" magalang kong pasasalamat sa Manang at doon siya muling bumalik sa likuran ni Papang.
Hindi ako nagsandok ng pagkain at doon ko lang binalingan ng tingin si Papang na diretsong kumakain.
"Eh bakit nga kasi nandito? 'Yang peste na 'yan Papang, hindi ko 'yan kilala. Kaya bakit siya ang sumundo sa akin kagabi?" inis kong turan sa kanya na ikinailing nito.
Seryosong humarap sa akin si Papang "Una sa lahat Anak, hindi peste iyang si Omar dahil siya na ngayon ang bago kong kanang kamay dito sa Hacienda dahil siya ang pumalit sa Tatay Franco niya" lahad ni Papang na ipinagtaka ko.
"Bagong kanang kamay? Manloloko at tarantado ang ipinalit mong bagong kanang kamay mo Papang?" inis kong wika sa kanya na ikinagulat nito.
Miski si Manang Cynthia sa likuran ni Papang ay tila nagugulantang sa mga salitang binibigkas ng aking bibig.
"Anak ang bibig mo nasa harapan ka ng grasya!" inis na tugon ni Papang sa akin kaya napakagat ako ng labi.
"Kung ano-anong sinasabi mo diyan pati hindi manloloko at tarantado iyang si Omar dahil magmula ng mawala ang Tatay Franco niya ay mas naging masipag iyang batang iyan, pati may pangalan siya Anak hindi peste ang tawag sa kanya" lahad ni Papang na ikinatameme ko na lamang.
Sa bagay limang taon na rin naman ang nakalilipas mula ng wala akong balita rito sa Hacienda, tanging si Papang lang naman ang inaalala ko rito.
"Okay" tanging nasabi ko nalang at doon ako sumandok ng sinangag na naka-handa sa harapan.
May mga longganisa, atchara, hotdog at maalat na itlog ang nakahain sa harapan.
Nasa ganoon lang akong pagsasandok ng pagkain sa aking plato nang makarinig ako ng mga hakbang sa aking likuran na tila papalapit sa aming puwesto.
"Papang mauuna na po muna ako doon sa baba, baka ho kasi naghihintay na ang mga tao doon" wika ng isang lalaki sa aking likuran.
Hindi ko nalang iyon pinansin at itinuloy ko nalang ang pagkuha sa mga ulam sa lamesa.
Kita ko sa peripheral vision na binalingan ni Papang ang lalaking peste "Kumain ka muna rito Omar at sabayan mo kami nitong si Ian dahil tiyak na miss na miss ka nitong anak ko" tila pang-aasar ni Papang kaya doon ko siya binigyan ng nakakamatay na tingin.
Rinig ko pa si Manang Cynthia na tila bumubungisngis.
"Nakakahiya po kay Senyorito Ian kung makikisabay po ako sa inyong kumain Papang" tugon ng lalaking peste sa aking likuran.
"Buti naman at marunong kang mahiya" masama at mahina kong wika at doon ko nalang muli ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagkuha sa mga ulam.
"Bakit ka naman mahihiya Omar? Sige na pumarine kana at sabayan mo kaming kumain" huling wika ni Papang at doon ko nalang narinig ang mga paghakbang papunta doon sa unahang bahagi ng aking kinauupuan.
Talagang hindi siya marunong mahiya.
Hindi ako nakatingin sa kanya pero pinapakiramdaman ko siya.
Nang maramdaman kong tinitingnan niya ako ay doon ko nalang pinagpatuloy ang aking ginagawang pagkuha sa ulam.
Nang matapos ako sa pagkuha ng pagkain ay doon ko nakitang inisod ng peste ang upuan sa aking harapan para siya ay makaupo.
Nang maka-upo siya sa upuan ay doon ako kumilos patayo. Kita kong napatingin sa akin ang tatlong tao na nandito at doon ko binalingan ng tingin si Papang.
"Busog pa po ako Papang mamaya nalang ako kakain" seryosong wika ko sa kanya at doon niya ito ipinagtaka.
"Hindi ka pa nga sumusubo kahit hotdog, tapos sasabihin mong busog kana anak?" takang wika ni Papang sa akin at doon ako tumango.
Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at ako huminga ng malalim para sa susunod na akong sasabihin.
"Hindi ko maaatim na kumain habang may peste sa harapan ko" pagpaparinig ko sa malaking peste na kanina pa nakatitig sa akin.
Sabay pa more.
"Excuse me" hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin ni Papang at doon na ako humakbang papaalis sa hapagkainan.
Tinumbok ng aking mga paa ang daan papunta sa banyo kung saan malapit lang din dito sa kusina.
"Pasenya na po Papang sige po mauuna na ako sa baba" rinig kong wika ng peste habang ako ay naglalakad papasok sa banyo.
"Pasensya na rin Omar baka hindi lang maganda ang gising ng Anak ko" habol ni Papang at doon na ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo.
Mabilis kong isinara ang pintuan at doon ko inilahad ang aking katawan sa likod ng pinto.
Napapikit ako at doon ko hinakawan ang aking dibdib dahil may kirot akong nararamdaman sa aking looban.
Tama lang ba yung ginawa ko?
Hindi naman ako ganito, hindi naman ganitong kabastos ang bibig ko.
"Shet" tanging wika ko nalang dahil sa mga nangyayari.
Habol-habol ko ang aking paghinga dahil sa may nararamdman akong kaba.
Sa loob ng limang taon bakit nagpakita pa siya?
Sa loob ng limang taon, gaano naging kakapal ang pagmumukha niya para magpakita pa sa harapan ko?
Paano ba kami nagsimula?
Paano rin kami nahantong sa ganito?
ㅡㅡㅡ